Mga bulilit mula sa Luzon, Visayas kabilang na ang magkapatid, pasado sa The Voice Kids blinds | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga bulilit mula sa Luzon, Visayas kabilang na ang magkapatid, pasado sa The Voice Kids blinds

Mga bulilit mula sa Luzon, Visayas kabilang na ang magkapatid, pasado sa The Voice Kids blinds

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Mar 18, 2023 12:37 AM PHT

Clipboard

Kahit siya ang naghatid kay KZ Tandingan sa altar noong kanyang kasal, hindi nagdalawang-isip si coach Martin Nievera na gamitin ang kanyang kapangyarihan na i-block ang kapwa coach na si KZ matapos mapabilib sa isang young artist mula sa Olongapo sa ikalawang weekend ng blind auditions sa “The Voice Kids.”

Pinahanga ng 10 taong gulang na si Kai Marmento sina Martin at KZ sa pag-awit niya ng “Hesus” pero nawalan ng pagkakataon si KZ na hikayatin si Kai na sumali sa kanyang team dahil ginamit ni Martin ang block button para makuha si Kai.

The Voice Kids

Bukod kay Kai, nadagdag din sa MarTeam si John David Centeno (10 y.o.) ng Rizal.

The Voice Kids

Ang kapatid ni John David na si Honey Centeno (8 y.o.) naman ay pinili si coach KZ. Ang iba pang bagong miyembro ng Team Supreme ay sina Xai Martinez (12 y.o.) ng Caloocan City, Kreya Morta (12 y.o.) ng Cebu, at Luke Daniel Dela Cruz (11 y.o.) ng Benguet.

ADVERTISEMENT

The Voice Kids

The Voice Kids

The Voice Kids

The Voice Kids

Samantala, bahagi na ng Kamp Kawayan ni coach Bamboo sina Princess Canete (12 y.o.) ng Rizal at Chaelna Magnaye (10 y.o.) ng Batangas.

The Voice Kids

The Voice Kids

Sinong “The Voice Kids” young artists na naman ang sunod na magpapabilib kina coach Bamboo, KZ, at Martin sa blind auditions? Abangan sa “The Voice Kids,” kung saan pangarap ang puhanan at boses ng bulilit ang labanan, tuwing weekend sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at iWantTFC tuwing 7 pm at sa TV5 (tuwing Sabado 7 pm, tuwing Linggo at 9 pm). Mag-subscribe rin sa YouTube channel ng “The Voice Kids Philippines” para sa updates.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.