“The Iron Heart,” tumabo ng higit sa 200 milyong views | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
“The Iron Heart,” tumabo ng higit sa 200 milyong views

Entertainment.ABS-CBN.com
Published May 17, 2023 12:49 AM PHT

Sinusubaybayan ng sambayanang Pilipino hit aksyon serye na "The Iron Heart" na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez kaya naman umani na ito ng 200 milyong views sa Tiktok, Facebook, at Instagram mula Enero hanggang Abril ng taong ito.

Tututok na nga ang viewers sa kahihinatnan ng storya ni Apollo sa kanyang planong pagpapabagsak sa lider ng sindikatong Tatsulok na si Priam (Albert Martinez).

Nakakuha rin ang programa ng higit 20 milyong views sa YouTube nitong Marso at pasok din ang #TheIronHeart sa trending topics ng Twitter linggo-linggo dahil sa world-class nitong action scenes.

Sa pagpapatuloy ng kwento, isiniwalat na ni Apollo kay Priam ang kanyang nalalaman sa 'Iron Heart' project. Inakala nga ni Apollo na magtatapos na ang kanyang buhay ngunit swinerte siyang nakaligtas matapos dumating ang CIB.

ADVERTISEMENT
Ngunit palaisipan pa sa manonood kung talagang nasa mabuting kamay na si Apollo ngayong nasa pangangalaga siya ni Menandro (Ian Veneracion).

Sa kabilang banda, mukhang hindi naman nayanig si Priam sa nalamang may sanggol na nakaligtas sa naunsiyaming 'Iron Heart' project dahil ipagpapatuloy pa rin niya ang nasimulan na proyekto.

Malaman kaya ni Priam na si Apollo ang nasabing sanggol na nakaligtas? Ano naman kaya ang balak ni Menandro kay Apollo?

Tutukan ang "The Iron Heart," 8:45PM sa A2Z, Kapamilya Channel, TV5, Kapamilya Online Live on Facebook and YouTube, Jeepney TV, and TFC IPTV.

Read More:
The Iron Heart
Richard Gutierrez
Iron Heart 200 million views
Albert Martinez
priam and apollo
apollo adelantar
eros del rio
jake cuenca
Ian Veneracion
Iron Heart 200 milyong views
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT