Kyle, nananatiling solid Kapamilya

Patuloy na magiging solid Kapamilya ang young Kapamilya leading man na si Kyle Echarri pagkatapos niyang pumirma ng bagong kontrata sa ABS-CBN na kaniyang pangalawang tahanan sa industriya.

Sa ginawang contract signing event, ibinahagi ni Kyle na mas alam naiintindihan na niya ang ibig sabihin ng pagiging ‘solid Kapamilya’ sa kanyang walong taon sa showbiz. 

Kyle Echarri

“In a world na puno ng kalungkutan, puno ng mga bagay na nakakagalit talaga, it’s nice to be an inspiration to people and show that there’s happiness in this world. That for me is how to be a solid Kapamilya,” ani Kyle. 

Kyle Echarri

Kyle Echarri

Inalay din ng “Senior High” star ang kanyang career milestone sa kanyang namayapang kapatid na si Bella na pumanaw noong Abril. “I just want to leave a message for my sister who is up there. ‘Ta, we made it. We are here. It’s been a while. I know you are watching over me in everything I do. I know you are also part of this whole journey of mine,” sabi ni Kyle. 

Kyle Echarri

Kyle Echarri

Panoorin ang contract signing ni Kyle para malaman kung ano ang mga proyektong nakapila para sa kanyang bagong kabanta bilang Kapamilya: