Maricel, magpapasabog ng mga rebelasyon sa “Pira-Pirasong Paraiso” | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Maricel, magpapasabog ng mga rebelasyon sa “Pira-Pirasong Paraiso”

Maricel, magpapasabog ng mga rebelasyon sa “Pira-Pirasong Paraiso”

Entertainment.ABS-CBN.com

Clipboard

Level-up na ang mga pasabog na rebelasyon sa “Pira-Pirasong Paraiso” sa pagpasok ng nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano para sa mas pinatinding bagong yugto ng afternoon drama series.

Pira-pirasong Paraiso

Mapapanood si Maricel bilang si Amanda, ang lola ng magkakapatid na Paraiso. Si Amanda ang magiging susi para isa-isa nang mabigyan ng kasagutan ang mga sikreto sa masalimuot na nakaraan ng magkakapatid, pati na rin ang matagal nang palaisipan kung sino nga ba ang totoong Amy Paraiso, si Hilary (Elisse Joson) ba o si Baby (Loisa Andalio)?

Sa biglaang pagpasok ni Amanda sa buhay ng kanyang mga apo, magsusulputan din ang mga kagulat-gulat na katotohanan na maaaring maging sanhi ng tuluyang pagkakalayo ng loob sa isa’t isa ng magkakapatid.

Pira-pirasong Paraiso

Bukod sa inaabangang mga rebelasyon sa serye, excited na rin ang netizens sa harap-harapang tarayan ng mga premyadong aktres na sina Maricel at Snooky Serna, pati na rin sa tagos sa pusong mga linyahan nina Hilary, Beth (Alexa Ilacad), Diana (Charlie Dizon), at Baby.

ADVERTISEMENT

Bakit biglang pumasok si Amanda sa buhay ng magkakapatid? Ano-ano pang mga sikreto ang yayanig sa mundo ng mga Paraiso?

Tutukan ang “Pira-Pirasong Paraiso,” Lunes hanggang Biyernes ng 3 PM at kada Sabado ng 2:30 PM, sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.