Tapatan ng “Nag-Aapoy Na Damdamin” stars na sina Jane, JC, Ria at Tony, nalalapit na | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tapatan ng “Nag-Aapoy Na Damdamin” stars na sina Jane, JC, Ria at Tony, nalalapit na

Tapatan ng “Nag-Aapoy Na Damdamin” stars na sina Jane, JC, Ria at Tony, nalalapit na

ABS-CBN.Corp.comm

 | 

Updated Sep 10, 2023 09:03 PM PHT

Clipboard

Lalong nag-iinit ang panghapong teleserye na “Nag-Aapoy Na Damdamin” dahil sa nalalapit na paghaharap ng mga bida nitong sina Jane Oineza (Olivia/ Claire), JC De Vera (Philip), Ria Atayde (Melinda), at Tony Labrusca (Lucas) kung saan unang masisilayan ni Lucas si Claire bilang asawa na ngayon ng mortal niyang kaaway na si Philip.

“Pa-intense pa nang pa-intense. Ito na ‘yung tapatan talaga naming apat. Nandiyan na ‘yung sagad na gantihan,” pagbabahagi ni Jane.

Kwento rin ng Kapamilya actress, bagamat naging mabuti siyang asawa ni Philip, handa na siya ngayong gawin ang lahat para manumbalik ang kanyang alaala kahit pa itago niya ito sa asawa. Aniya, “Lalabas na unti-unti ‘yung alaala ko. Lalabas na rin ‘yung pagiging palaban ni Claire as a person.”

Guguho naman ang relasyon ng mag-asawang Buencamino dahil sa mangyayari na ang pinaka-kinakatakutan ni Melinda.

ADVERTISEMENT

“Ayun na nga, ito na nga ‘yung pinaka-ayaw na mangyari ni Melinda so nandito na tayo. So ngayon, Melinda will try to do whatever she can para ma-preserve ‘yung marriage nila ni Lucas,” kwento ni Ria.

Para kay Tony, panibagong paghihirap ang haharapin ng kanyang karakter bilang Lucas sa pagkikita nila ni Claire.

“Mawawala na naman si Lucas sa sarili niya kahit ayaw rin naman niyang sadyang saktan si Melinda,” saad ni Tony.

Sa bagong kabanata ng teleserye, maiipit naman si Philip sa dalawang mahalagang bagay sa buhay niya ayon kay JC.

“Sa lahat ng paghihiganting ginagawa ko ngayon, nakaramdam ako ng sobra-sobrang pagmamahal kay Claire na hindi ko na alam kung ano ba ang uunahin ko, revenge pa rin sa mga Buencamino o ipagpatuloy ang pagmamahal kay Claire. Si Philip ngayon caught up in the middle siya,” paliwanag ni JC.

Abangan ang matinding tapatan sa “Nag-Aapoy Na Damdamin,” Lunes hanggang Biyernes sa bago nitong timeslot na 3:45pm sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.