IN PHOTOS: Behind-the-scenes of MMK “Purpose Of Ate” episode | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
IN PHOTOS: Behind-the-scenes of MMK “Purpose Of Ate” episode

Entertainment.ABS-CBN.com
Published Oct 06, 2022 01:09 PM PHT
|
Updated Oct 06, 2022 03:12 PM PHT

Pagbibidahan nina Charlie Dizon at JC Alcantara ang isang kwento tungkol sa importansya ng pagpapahalaga sa mental health ng mga tao ngayong Sabado (Oktubre 8) sa "MMK."

Kasabay ng pagdiriwang ng World Mental Health Day, tunghayan ang kwento nina Joan (Charlie) at Jaira (Bea Clark) bilang magkapatid na hindi naranasan lumaki sa isang mapagmahal na pamilya. Tanging paggalit at pananakit nga ng ina ang naalala nila sa inang pumanaw samantala isa namang stiktong ama ang nakasama nila sa kanilang paglaki.

Bilang ate, mas mahigpit ang ama nila kay Joan kaya naman madalas ay napagbubuntungan niya ng galit ang nakababatang kapatid na si Jaira.

Ngunit nang namatay ang kanilang ama, napagtanto ni Joan na kailangan niyang ayusin ang relasyon sa kapatid. Alam niya kasi na lumayo ang loob nito dala na rin sa kanyang pakikitungo rito noong bata pa sila.

Maitama pa kaya niya ang kanyang pagkakamali? Sa tulong ng kanyang nobyong si Rommel (JC), paano kaya niya matutulungan ang kapatid na bumuti sa sakit nitong schizophrenia?

Napapanood ang "MMK" sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live sa YouTube at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, at iWantTFC. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

Read More:
ABS-CBN
ABS-CBN Entertainment
Maalaala Mo Kaya
MMK
Charlie Dizon
Bea Clark
JC Alcantara
Lito Pimentel
MMK Purpose Of Ate
behind the scene
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT