LOOK: Behind-the-scene photos of MMK “Bida Si Tita” episode | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

LOOK: Behind-the-scene photos of MMK “Bida Si Tita” episode

LOOK: Behind-the-scene photos of MMK “Bida Si Tita” episode

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Jul 21, 2022 10:16 PM PHT

Clipboard

Bida ang mga tita ngayong Sabado (Hulyo 23) sa pagdiriwang ng "MMK" ng World Aunt's Day sa isang kwento ng pag-ako ng responsibilidad ni Marlita (Irma Adlawan) na alagaan ang kanyang pamangkin na si Joy (Elisse Joson) matapos itong iwan ng ama para sa ibang pamilya nang mamatay ang kanyang ina.

Sa umpisa pa lang, malaking sakripisyo agad ang ginawa ni Marlita para sa pamangkin na si Joy at kapatid nito. Bukod sa paglayo sa mga magulang at kinagisnang buhay sa Samar, tinanggihan din nito ang alok na kasal ng nobyo nang hindi nito tinanggap ang kanyang mga pamangkin.

Sa pagdaan ng panahon, mas napalapit ang loob ni Marlita kay Joy na tinuring siyang matalik na kaibigan at 'mama.' Labis nga ang paghanga ni Joy sa kabaitan at sakripisyong ginawa ng kanyang tita sa kanila.

Kaya naman nang ipa-ako sa kanya ng kanyang madrastaang pag-alaga sa half-sister niyang si Sophia ay agad siyang pumayag. Alamin kung paano tinaguyod ni Joy ang pag-aalaga sa kapatid sa tulong ni Marlita.

ADVERTISEMENT

Patuloy na panoorin ang mga nakakaantig na kwento ng mga Pilipino sa "MMK" tuwing Sabado sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, YouTube channel, ABS-CBN Entertainment Facebook page, and iWantTFC. For viewers outside of the Philippines, catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.