Vice, sinubukan kung gaano katibay ang buhok ni Super Tekla kalokaLike | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Vice, sinubukan kung gaano katibay ang buhok ni Super Tekla kalokaLike | It’s Showtime

Vice, sinubukan kung gaano katibay ang buhok ni Super Tekla kalokaLike | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Nov 18, 2024 05:42 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

What’s up, Madlang People? May hangover pa ba sa mga ganap kahapon? Alive na alive ang buong kalawakan sa pagrampa ng mga reyna sa Miss Universe pageant. Pero kung may mga reyna na nakasungkit ng korona, dito sa “It’s Showtime,” maghahari naman ang good vibes at tawa!

Join din sa FUNanghalian ang prinsipe sa kaharian ng “It’s Showtime.” Si KD Estrada, hindi man kasama ang kan’yang prinsesa, pero buong-puso ang pag-alay ng harana sa madla. Eh, sino nga ba ang prinsesa ni KD? At kung ang puso n’ya ay aawit, ano ang isasambit?

Jam-packed ang Lunes natin sa pagsisimula ng “KalokaLike Face 4” Semifinals at pagpapatuloy ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Matapos salain ang mga “KalokaLike Face 4” daily winners last Saturday, sasabak na ang Top 30 sa mas level-up na face-siklaban sa pagsisimula ng Semifinals. Kada araw, mula Lunes hanggang Biyernes, anim na semi-finalists ang maghaharap upang i-impress ang mga hurados na bibigyan sila ng scores mula 1 to 10.

ADVERTISEMENT

Kada araw, ang Top 3 with the highest average hurados’ scores ang hihirangin na panalo at aabante sa Grand Finals sa Sabado.

Simulan na ang face-tival ng mga copycats, with Jackie Gonzaga kalokalike. Marami ang pinagpawisan sa kan’yang on-point na HOTaw. Pati humor at kilos at pagkanta ni Ate Girl, kuhang-kuha!

Basketball players are good lovers, sabi ni Jordan Clarkson kalokalike. I-love rin kaya ng mga hurados ang performance niya sa semis? From basketball exhibition, may bonus pang magic tricks si Jordan kawangis!

Winner sa pagsayaw ng ‘Salamin, Salamin,’ si BINI Maloi kalokalike, nagbabalik at naghanda ng mga bagong hiwaga na ipapakita sa atin. Wala nang pahinga, rumaket pa! Diretso na sa Grand BINIverse Day 2 ‘yan!

Kabilang din sa mga nagpakitang-gilas si Super Tekla kalokalike na kinatuwaan sa hairstyle n’yang mataas. Amats ay malakas ‘pag nand’yan ang double ni Snoop Dogg, na nilaro ang pakikipag-usap sa ‘Showtime’ hosts.

Hindi rin nagpa-P-gil sa paghahatid ng kilig at gigil si Piolo Pascual kalokalike! Ano ba ang feeling ng isang heartthrob ‘pag pinagkakaguluhan? Sina MC at Lassy, parang gusto rin makigulo at maki-bonding kay Piolo!

Sa huli, hinirang na Top 3 for today sina Super Tekla, Snoop Dogg, at BINI Maloi. Sila ang aabante sa Grand Finals.

Dalawang estudyanteng palaban ang nagtapatan sa daily round ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

From University of Mindanao, lumuwas si Shane Castillo para sundan ang kan’yang pangarap sa ‘Showtime’ entablado. Sa pagkanta ni Shane ng “It’s A Man’s World,” komento ni hurado Erik Santos, bigyang-pansin ang clarity of words. Alam n’yo ba, si Shane, hindi lang sa singing magaling dahil expert din siya sa online selling? Pa’no naman ‘pag si Meme Vice Ganda ang tindera, paano n’ya ibebenta ang mga kaibigan niya?

“I Love You Goodbye,” birit ni Ryka Suico ng San Remigio National High School. May napuna man si hurado Ogie Alcasid sa simula ng performance ni Ryka, nakabawi naman ito sa dulo. Dagdag pa ni hurado Klarisse de Guzman, phrasing is important.

Matapos ang kantahan, mataas na 91.3% ang gradong nakuha ni Shane. Siya ang pasok sa susunod na Prelims.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.