‘Sunshine Dizon’ ng Cavite, inawitan ang Madlang People sa kalokaLike | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Sunshine Dizon’ ng Cavite, inawitan ang Madlang People sa kalokaLike | It’s Showtime

‘Sunshine Dizon’ ng Cavite, inawitan ang Madlang People sa kalokaLike | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 31, 2024 05:07 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Awoo! Bago pa man ang Halloween party n’yo today, mauuna na ang party-party sa studio with the ‘Showtime’ family! Join pa si Angela Ken, na ite-treat tayo sa isang jamming na sweet and calming.

Pinasalamatan din ni Jhong Hilario si Angela, na original singer ng “Ako Naman Muna,” ang kantang ginamit sa “Magpasikat 2024” performance nila ni Cianne Dominguez at Jackie Gonzaga. Pinagbigyan din nina Angela at Cianne ang request na duet ng Madlang People!

Birthday nina Jackie at Lassy today! May pa-birthday message at regalong yakap si Darren kay Ate Girl. Ayun, kinilig tuloy ang ‘Showtime’ family. JaRrenatics era na ba this?!

Time out muna sa trick-or-treating ang mga bagets na paborito natin! Sa “Showing Bulilit” muna maghahasik ng kulit sina Argus, Kulot, Kelsey at Jaze!

ADVERTISEMENT

Excited naman sa laro ang magkakapares: Ogie Alcasid at Cianne Dominguez, Vice Ganda at MC, Jugs Jugueta at Kim Chiu, Darren at Lassy, Teddy Corpuz at Ryan Bang, at Jhong Hilario with guest player Gladys Reyes.

Try and try lang sa panghuhula hanggang sa tumama! Hmm. Sina Darren at Jackie, may ‘tama’ ba? Extended ang kilig ng Jarrenatics! “Unofficially Yours,” sabi ni Darren. Pansin tuloy ni Meme, hindi mabura ang mga ngiti ng Ate Girl natin! Uy, totohanan na ba ‘yan, Jackie?

Ay! Ang aga-aga pero bardagulan malala ang eksena ng mag-best friend na Vice at Jhong. Dinaan na lang ni Meme sa pag-flex ng OOTD habanag ginagaya ang mga poses na pang-Gen Z.

Huwag lilingon! Huwag kukurap! Dahil napalilibutan na tayo ng mga nakakakilabot na panggagaya. Kilalanin ang tatlong contestants for today's "Kalokalike Face 4."

Avisala! Si Sang’re Pirena, Sunshine Dizon, may instant reunion with her best friend Karylle! Sunshine ang awra ni contestant number one–real na real. Pati rin boses ay kuha, pero marami pa siyang ibang kamukha.

Rumampa sa studio si Heart Evangelista ng Rizal. Kulang man sa tulog, looking fresh pa rin si Hearty, who came in a fashionable outfit and slayable energy.

Si Mr. Randomantic, naghasik ng kilig! Everyone, James Reid! Mahirap man i-read ang pagkakahawig ni contestant number 3 sa Fil-Aussie hottie, ang mahalaga napasaya niya ang madla, lalo na si Babydoll Johaira!

Nakakapanindig-balahibo ang ipinamalas na talento ng dalawang estudyanteng kumasa sa hamon ng “Tawag Ng Taghalan The School Showdown.”

All the way from Caraga State University, lumuwas si Jay Lerio para sundan ang kan’yang mga panggarap. Isang Yeng Constantino hit ang baon n’yang awit.

“Nakapagtataka,” birit ni Ceray Olaco ng University of Science and Technology of Southern Philippines sa entablado. Malayo ang pinanggalingan, at siguradong malayo rin ang mararating. Dahil si Ceray ay may business na t-shirt printing, tanong ni Vice Ganda, kaninong mukha ang ipapa-print ni Darren? Uy, bakit nag-expect si Jackie Gonzaga?

Samantala, si Ceray nga ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nonoy Zuniga, Ogie Alcasid at Darren Espanto. Pasok na siya sa susunod na ‘prelims.’

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.