Rita Daniela, pinili si Searchee DJ Jimmy | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Rita Daniela, pinili si Searchee DJ Jimmy | It’s Showtime

Rita Daniela, pinili si Searchee DJ Jimmy | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Jun 08, 2024 05:08 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Sa pagpasok ng weekend, bad vibes ay iwasan. Ngiti lang para blessings ay ma-attract. Siguradong ma-a-attract ka rin sa mga bisita nating gwapings – sina Gelo, Nate, Akira, JL, at Mikki ng BGYO.

Sumabay na sa ‘Gigil’ Dance Challenge ng grupo. Sumunod lang sa galaw ng best boys at mag-enjoy. Ay, oh! May kumasa na sa hamon! Si Kapuso star Sanya Lopez, dance sample pala ang nais! Kay gandang dilag! Puso ng madlang people ay talaga namang nabihag!

Ilang beses nang nasaktan, mahanap na kaya n'ya ang pag-ibig na pangmatagalan? From one of our resident singers, si Rita Daniela, 'na-promote' bilang searcher. Mukha man s'yang palaban, peron ang totoo'y ilang beses nang naging luhaan. Mabuti na lang ay meron s'yang Kuya Onin na matatakbuhan.

Unang relasyon niya ay sinekreto sa publiko para sa karerang iniingatan. Lahat ay kaya n’yang tiisin, pero dumating sa puntong harap-harapan na ang panloloko. Oh, no! Mabuti pa ang maging single kesa masaktan nang walang tigil.

ADVERTISEMENT

Hindi rin nag-work ang relayon n’ya sa ikalawang kasintahan na siyang naging ama ng kanyang beloved son. Sa ngayon ay masaya naman si Rita bilang isang mommy, pero hindi n’ya maitatanggi na minsan ay hinahanap-hanap niya ang kilig. Ngayon ay handa na siyang makilala ang bagong magbibigay-kulay sa kanyang daigdig. Alamin ang kanyang kwento sa “EXpecially For You.”

Ang mga first honors, muling sumabak sa entablado para subukang magtapos with flying colors. Ito ang “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” ‘Prelims’ o Weekly Finals.

Present ang pambato ng University of Mindanao Digos College na si Juliana Regalo na kumanta ng “Feeling Good.” Kung hanap mo’y performance na pangmalakasan, don’t worry, si Jamaica Gavino ng Canossa College-San Pablo City na ang bahala, bitbit ang kantang “Don’t You Worry ‘Bout A Thing” bilang piyesa. Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ‘reprezent’ naman ang sigaw ni Claire Maaba na kumanta ng “Ain’t Nobody (Loves Me Better).”

Ibinandera ni Mc Ryan Cabaluna ang pamantasan n’yang Cebu Normal University sa pagbirit n’ya ng “Sirena.” “Nosi Balasi,” tanong ni Nathanie Jade Estrera ng Visayas State University.

Sa huli, ang PLM student na si Claire ang nakakuha ng pinakamataas na grado. Siya ang lalaban sa paparating na ‘Midterms’ Round.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.