“Paul Lee” ng Rizal, nagpasiklab ng talento sa kalokaLike! | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

“Paul Lee” ng Rizal, nagpasiklab ng talento sa kalokaLike!

“Paul Lee” ng Rizal, nagpasiklab ng talento sa kalokaLike!

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 18, 2024 07:39 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Frideyyy is here! Good vibes ay clear na clear! Kilig n'yo ay hindi mauubos sa haranang hatid ni Erik Santos. Mga love songs n'ya ay sabayan sa mapusong kantahan. Kung merong kalokalike, pwede rin ang ka-voice-alike! Si Darren Espanto, bumirit ala-Erik. Pasado!

Pasado rin sa madlang people ang kilig chemistry nina Jeremiah Lisbo at Kaori Oinuma, na inimbitahan ang lahat na panoorin ang kanilang newest ser-yeah na “Halfmates.” Bukod sa chemistry, sure na sure rin si Anne Curtis sa acting skills ng kan’yang “It’s Okay To Not Be Okay” co-star na si Kaori.

Yes, you read it right! Nagbabalik ang nag-iisang Dyosa sa FUNanghalian! Sign ‘yan na papalapit na rin ang Magpasikat 2024. Excited na ang lahat for sure!

Lights, camera, action! Sina Imogen, Kulot, Kelsey at Jaze na ang bahala sa aktingan na pang-standing ovation! Papalakpakan mo ang talent nilang malupit sa “Showing Bulilit.”

ADVERTISEMENT

Malupit din sa hulaan ang magkakapares ngayong Biyernes: Vhong Navarro at Ryan Bang, Teddy Corpuz at Anne, Kim Chiu at Ion Perez, Jhong Hilario at Lassy, Ogie Alcasid at MC, at Jugs Jugueta at Darren.

Sa pabilisan pumindot, pambato ni Vhong si Ryan. ‘Di lang sure kung tama ba ang sasabihin n’yang sagot. Kung na-miss n’yo si Vice Ganda sa “Showing Bulilit,” ibinuking ni Jhong kung bakit wala ang Meme nating marikit.

Teka, Anne! Hindi porke’t na-miss ka ng lahat, eh ikaw ay pagbibigyan. Competitive kaya ang mga kaibigan mo sa hulaan!

Mga contestants sa “Kalokalike Face 4,” ginalingan! Pero, pasado ba sa mga hurado ang kanilang hulmahan?

Naka-tres sa puso ng madlang people si contestant number one, na kahawig daw ni Paul Lee. Pero sabi ni hurado Chariz Solomon, ay, oh, Paul Lee nga talaga, as in Paul Lee-tong lito siya.

Ito na siguro ang pinakamahirap na trabahong ginawa ni hurado JC de Vera sa “It’s Showtime”–ang hanapin ang anggulong Sheryl Cruz ni contestant number 2. Ay! Ang gulo!

Skrr skrr zoom zoom! Road trip to the moon ang bet ni contestant number three, na kawangis daw ni Nik Makino. Patingin nga ng awra mo!

Pareho ang pangalan, pero magkaibiga ang style sa kantahan! Nagharap ang dalawang talented estudyante sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumabak sa entablado si Jane Stephanie Mancia ng Christ The King College De Maranding Incorporated. “Better Days” n’ya ay kukurot sa ‘yong puso, alay sa mga laking-lola.

Sunod namang nagpakita ng talento si Stephanie Jane Sevilla ng Immaculate Conception College, na pinili ang ‘Saving All My Love For You” bilang piyesa.

Makinig nang mabuti! Ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie, Jed Madela at Bituin Escalante ay walang iba kundi si Jane Stephanie.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.