Panoorin ang pagsabak ni Makisig Morales ng Rizal sa kalokaLike Face 4! | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Panoorin ang pagsabak ni Makisig Morales ng Rizal sa kalokaLike Face 4!

Panoorin ang pagsabak ni Makisig Morales ng Rizal sa kalokaLike Face 4!

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 29, 2024 05:53 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Halloween is just around the corner! Pero imbes na takot at sindak, kilig ang panigurado ang na-feel ng lahat sa episode ng It’s Showtime ngayong Martes, October 29, dahil sa performance ni OPM Royalty Yeng Constantino ng 10th anniversary version ng isa sa kanyang greatest hits na “Ikaw”.

Dahil diyan, hindi mapigilan ng Showtime fam na ipagpatuloy ang pang-aasar sa namumuong tambalan nina Jackie at Darren. Gayundin kina Yeng at Ryan Bang, matapos i-bring up ni Darren kung pwede bang kumanta si Yeng sa kasal ni Ryan sa fiancée niyang si Paola Huyong. Sagot ni Yeng, naghihintay lang naman daw siya ng invitation kaya naman sinamantala na ni Ryan ang pagkakataon na imbitahin siya on live TV.

Bukod sa paanyaya na maging wedding singer, inofferan din ni Ryan si Yeng na i-translate sa Korean ang awitin niyang “Ikaw”. Game na game naman daw dito si Yeng upang mas maramdaman umano ni Ryan ang pag-walk down the aisle nila ni Paola.

Muli namang nagpamalas ng kanilang acting skills ang Showtime kids na sina Imogen, Argus, Kelsey, Jaze, and Kulot for today’s episode ng “Showing Bulilit”!

ADVERTISEMENT

Ang magtiyahin sa tunay na buhay na sina Amy Perez at Karylle ang mga nagsilbing game masters, habang ang mga magkakatunggali naman ay ang tandems nina Kim Chiu at Jackie Gonzaga, Jhong Hilario at Lassy Marquez, Jugs Jugueta at Ryan Bang, Ogie Alcasid at Teddy Corpuz, Darren Espanto at Ion Perez, at MC Calaquian at Cianne Dominguez.

Ginalingan nina Kulot at Jaze ang reenactment sa isang eksena sa 2020 Filipino comedy-drama film “Four Sisters Before the Wedding”, na nahulaan nina Jugs at Ryan. Napa-wow naman ang hosts sa pag-recreate nina Kelsey at Argus ng isang iconic scene sa 2017 American biographical musical drama film na “The Greatest Showman”, na nahulaan nina Darren at Ion.

Hindi naman napigilan ng mga host na tuksuhin sina Kim at Jackie nang banggitin ang mga katagang “To Love Again”, na title ng 1983 romantic drama film na pinahulaan nina Jaze at Imogen.

Nagpatuloy ang panunukso kay Kim nang ang pahulaan ay ang 2020 coming-of-age movie na “Fangirl” na pinagbidahan ng kanyang current loveteam partner na si Paulo Avelino at ni Charlie Dizon. Unfortunately, hindi sila ni Jackie ang unang nakapindot ng buzzer, kundi sina Darren at Ion.

Bigo mang mahulaan ng “favorite Magpasikat sons” ni Tyang Amy ang tatlong personalities sa jackpot round, happy naman ang pitong madlang live audience na naghati-hati sa P35,000 na kanilang napanalunan.

Another day, another set of celebrity lookalikes naman ang nakilala natin sa “Kalokalike” for today’s episode.

Una na nga riyan si Daniel John Eustaquio na nagpakilala bilang “Makisig Morales” ng Cainta, Rizal. Ayon sa kanya, bata pa lang ay ginagaya na niya ang dating child star sa pamamagitan ng pagsusuot ng costume ng kanyang sikat na karakter na si “Super Inggo”. Bukod sa pagkanta ng OST nito na “Superhero” ng bandang ni Teddy na Rocksteddy, pinabilib din niya si Vice sa pagkanta ng “Walang Kapalit”.

Sumunod naman sa kanya si Justin Garcia, ang Bob Marley ng Las Piñas City na inaliw ang lahat sa pamamagitan ng kanyang talento sa pagsayaw. Dahil kilala ang reggae icon sa kanyang words of wisdom, ipinagpaliwanag siya ng hosts tungkol sa mga kahulugan ng kanyang mga awiting “Three Little Birds” at “No Woman, No Cry”.

Panghuli naman ay si Rodora Ramitere, ang Rosanna Roces ng Malabon City na game na game din na nakipagkulitan sa mga host nang balikan ni Vice Ganda ang ilan sa mga sikat na pelikula ng aktres.

Sa bandang huli, si Justin ang bukod tanging nakatanggap ng tatlong “kalokalike” mula sa mga huradong sina Jugs at Teddy, Chariz Solomon, at Gladys Reyes.

Tuloy-tuloy ang pasiklaban ng mga pambato mula sa iba’t ibang paaralan sa Pilipinas sa Tawag ng Tanghalan: The School Showdown.

Ngayong October 29, ang aspiring flight attendant mula sa Cebu Technological University-Danao na si Patricia Capon ang unang sumalang sa stage at pinabilib ang lahat sa kanyang rendisyon ng “Hindi Tayo Pwede” ng The Juans.

Samantala, ang kanya namang katunggali na si Ferlyn Dominguez ng University of South Eastern Philippines-Tagum Mabini Campus ay pinaindak tayo sa pag-awit niya ng “One Night Only” mula sa pelikulang “Dreamgirls” noong 2006.

At dahil marami pang oras, nagkaroon ng pagkakataon ang It’s Showtime hosts na makipagbardagulan sa isa’t isa, pati na rin sa dalawang TNT contestants. Bukod sa kanilang hunatahan, naaliw din ang lahat sa mga music-related trivia na ibinahagi ng Unkabogable Star.

The “DAckie” continues to sail naman matapos na kiligin ang hosts sa pagtawag ni Jackie kay hurado Darren ng “maalaga at mapagmahal” nang ipakilala niya ito upang magbigay ng kanyang komento sa performances nina Ferlyn at Patricia.

Sa bandang huli, si Patricia Capon ng Cebu Technological University ang magpapatuloy sa preliminary round matapos na makakuha ng kabuuang score na 93.7% mula kina hurado Ogie Alcasid, Darren Espanto, at Klarisse de Guzman dahil sa makabagbag-damdaming performance niya ng “Hindi Tayo Puwede” ng The Juans.

Samantala, ang contender naman niya na si Ferlyn Dominguez ay nakakuha ng 92.7% para sa kanyang pagkanta ng “One Night Only” mula sa 2006 Hollywood film na “Dreamgirls”

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.