‘Kyrie Irving’ ng Caloocan, nagpakita ng kanyang dribble exhibition sa KalokaLike Face 4 | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Kyrie Irving’ ng Caloocan, nagpakita ng kanyang dribble exhibition sa KalokaLike Face 4 | It’s Showtime

‘Kyrie Irving’ ng Caloocan, nagpakita ng kanyang dribble exhibition sa KalokaLike Face 4 | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Nov 13, 2024 06:46 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Walang bayad ang ngiti, at sisiguraduhin ng “It’s Showtime” family na hindi ka malulugi. Bentang-benta ang charm ni Korean singer-actor Kim Myung Soo sa madlang people! Isang titig lang n’ya, feeling winner ka na! Paano pa ‘pag nag-sample ng kanta, eh, di kota na.

Parang si Tyang Amy Perez ang isa naka-kota dahil sa cute interaction niya with the oppa. Nagpakilala rin ‘yung Ryan Bang, na ginalingan as Kim Myung Soo’s instant translator.

Extended ang kilig because Ethan and Joy are here! Sina Alden Richards at Kathryn Bernardo, pure joy ang hatid sa madlang people! Hindi mabura ang ngiti ng KathDen dahil sa nag-uumapaw na suporta para sa pelikulang “Hello Love Again.”

Novembest actors at actresses ang mga kiddie stars natin sa Showing Bulilit! Acting muscles ay ife-flex nina Argus, Kulot, Kelsey, Stephen at Jaze. Sobrang happy ng kids after makapag-selfie with KathDen. For sure, lahat naman sila ay magiging superstars din! Totoo bang nag-a-acting workshop sila with Ogie Alcasid? O baka gusto silang i-manage?

ADVERTISEMENT

First eksena pa lang, ang haba na ng bardagulan! Teddy Corpuz at Bela Padilla, competitive mode on! Hindi rin sumuko sa laban ang Lassy-Jhong Hilario na may very puzzling knock-knock joke. Anong paandar naman ang inihanda ng Vhong Navarro-Cianne Dominguez, Ogie-MC, at Kim Chiu-Ion Perez? Pero hindi sila pagbibigyan ng Vice Ganda-Darren Espanto. Well, kung si Ion ang hihirit, taas-kamay na lang si Vice dahil, “kailan ba naging mali ang pag-ibig?”

Kaninong anggulo ang mananalo sa “Kalokalike Face 4?” Ang handsome face na kamahal-mahal, ipapakita ni Iñigo Pascual. Pero, bakit ang best friend na si Darren parang hindi ‘ata kumbinsido? Mas magaling bang sumayaw si kalokalike kaysa sa totoong Iñigo?

Isang NBA player ang sumubok na maka-three points sa puso ng mga hurado. Si Kyrie Irving, game sa one-on-one with Vice Ganda. Makikilaro rin ba si Bela? Or, todo explain muna siya kung bakit siya may cell phone sa oras ng trabaho?

Malupit na katatawanan ang baon ng kalokalike ni Malupiton. Ihanda ang mga panga dahil sasakit ‘yan katatawa. Pero bakit hatol pa rin sa kanya’y kaloka?

Matinding bosesan ang nasaksihan sa Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.

Nabilangan man ng dalawang beses, hanggang dulo’y binigay pa rin ang best ni Jessie Alforo ng Christ The King College De Maranding, Inc. Oldies but goodies ba kamo? Si Jessie, laban na laban sa pagkanta ng “I (Who Have Nothing).” Sabi ni hurado Ogie, hindi ‘nothing’ kundi ‘something’ ang performance ng criminology student.

At dahil sa istilo ni Jessie ng pag-sustain ng nota, si Vice Ganda, ipinakita ang sarili n’yang exhibition! Kung pahabaan lang ng hininga, kaya ni Meme ng kalahating minuto tapos pagpapasa-pasahan ng madlang people ang mikropono! Tawang-tawa tuloy si hurado Dingdong Avanzado.

Si Hargie Ganza ng Canlubang Integrated School, may entry rin sa pahabaan ng hininga with her saksak-puso version of “Ako’y Sa’yo, Ika’y Akin Lamang.” Nakinig si Bathala at ibinigay kay Hargie ang panalo na gustong makuha. Pasok na siya sa susunod na Prelims!

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.