KalokaLike Face 4: The “Jhong Hilario” special tribute! | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KalokaLike Face 4: The “Jhong Hilario” special tribute! | It’s Showtime

KalokaLike Face 4: The “Jhong Hilario” special tribute! | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 12, 2024 04:07 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Saturdeeey ay napuno ng kilig dahil sa smooth na tinig at nakatutunaw na titig ni James Reid, na nagbabalik sa “It’s Showtime” stage. Madlang People ay pinangiti niya sa isang smooth na harana! Kung bitin ang jamming, don’t worry dahil game rin si James na mag-sample ng kanta n’yang trending. Thanks, Kim Chiu dahil ibinoses mo ang request namin!

Kung dati ay hirap na hirap si Ryan Bang na i-convince ‘Showtime’ family tungkol sa friendship niya with James, not anymore, dahil si James mismo ang nagpatunay na sila nga’y mag-best friends. Hirit naman ni Ogie Alcasid, dapat magbalik-hosting si James para dalawa na silang pogi sa “It’s Showtime” family. Sige, Tito Ogie, kuwento mo ‘yan, eh! Hehe!

Sa “Kalokalike Face 4,” sabay-sabay na sumalang ang tatlong Jhong Hilario–bes, ang sakit sa ulo! The ‘Jhong Hilario’ multiverse is real! Pasado sa face card check ang tatlong contestants, in fairness. Pero magkakatalo na lang sa kung sino ang mas magaling manggaya–‘yung Jhong talaga ang awra mula sa mata hanggang sa acting na pang-kontrabida. Syempre, performance nila ay susukatin din sa galawang ala-Sample King!

Hindi po ito birthday tribute para kay Kuys Jhong, sadyang marami lang siyang ka-‘clone.’ Biro ni Meme Vice Ganda, si Jhong ay parang botika–generic ang mukha!

ADVERTISEMENT

Sino kaya sa tatlong ‘manggagaya’ ang pupusuan nina hurado Karylle, Gladys Reyes, Teddy Corpuz at Jugs Jugueta?

Limang estudyante ang muling nagpasiklaban sa ‘prelim’ exams ng “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Nagningning ang bituin ni Eastern Visayas State University student Lyn Rose Nalda na bumirit ng “Halik” sa entablado.

Tunog RnB naman ang ibinida ng pambato ng University of St. Louis, si Cybel De Luna. Mamahalin mo ang very swabe n’yang pagkanta. “Love” ang napili n’yang piyesa.

Muling nangharana ang bet ng The Lewis College, na si Adrian Nebreja. With his balladeer’s voice, binigyang-buhay n’ya ang classic hit na “Ngayon” ni Basil Valdez.

Bandera ng Lyceum of the Philippines University-Batangas ay ibinandera ni Audrey Pranada. Hugot ay itindo na n’ya sa pagkanta ng “Hindi Na Nga.” Muling nagpabilib si Shaina Landeza ng Colegio De Kapatagan. “Wala Na Talaga” ni Klarisse de Guzman, ibinirit niya sa tanghalan.

Time’s up! Matapos ang Preliminary Examinations, si Adrian ang humarap sa nation bilang daily champion. Abangan siya sa susunod na ‘midterms’ exam!

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.