KalokaLike Face 4: “Rita Daniela” | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KalokaLike Face 4: “Rita Daniela” | It’s Showtime

KalokaLike Face 4: “Rita Daniela” | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 15, 2024 08:10 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

This Tuesday, choose happiness with the ‘Showtime’ family. Dahil kayo rin ang pipiliin namin sa araw-araw. Sabay-sabay tayong ngumiti at pumalakpak para ma-attract ang good vibes at luck, pati ang mga biyayang pak na pak.

Speaking of biyaya, ibe-bless ni Kapamilya actress Lovi Poe ng kan’yang beautiful visuals ang ating screens. Pati si former ‘Hashtags’ member Jameson Blake, bumisita rin. Malakas ang chemistry nina Jameson at Lovi, and for sure, kitang-kita ito sa kanilang movie.

Mukhang bet din ni Ogie Alcasid na magkaroon ng ‘chemistry’ with Jameson, este, bet n’ya ang suot nito. Wait, there’s more! Dahil si Shanaia Gomez, humabol. Ano ang good news na hatid niya para sa madlang people?

Our ‘Showtime’ kids are not kidding pagdating sa acting! Always ready sina Argus, Imogen, Kelsey, at Jaze na ipakita ang kanilang galing!

ADVERTISEMENT

Nagpakitang-gilas din sa hulaan, pati sa bardagulan, ang magkakapares ngayong Martes: Jugs Jugueta at Cianne Dominguez, Vice Ganda at Darren Espanto, Ryan Bang at Jhong Hilario, Ogie at MC, at sina Bela Padilla at Lassy.

Matapos i-correct ang naging sagot nina Jugs at Bela kahapon, sunod-sunod na ang reklamo ni Vice Ganda. Uy, walang dayaan dito, kaya pati spelling at accent dapat sigurado. Nabawi tuloy ang puntos nina Vhong and Teddy dahil sa “To Love Some Buddy.” Samantala, si Bela, always bigay-todo. Laban na laban ang Ate mo, akala mo may one million na papremyo! Bigyan ng trophy ‘yan!

Waley o havey? Kaloka o kalokalike? Maki-hatol na sa performance ng tatlong kalahok sa “Kalokalike Face 4.”

Matapos sumali ni Ruru Madrid, nainggit daw ang ‘mahal n’yang si Bianca Umali kaya rumaket din ditey. Si contestant number one, very pretty. Pero pasado kaya siya sa face card check?

Mukhang iikutin ni Rita Daniela ang lahat ng segments sa “It’s Showtime.” Dahil mula sa pagiging resident singer hanggang naging searcher sa “EXpecially For You,” dito naman siya sa “Kalokalike” rumaket.

Amazing! Si Betong Sumaya, nasa “It’s Showtime” rin! Para sa kaibbigan ni Betong at guest hurado na si Chariz Solomon, swak na swak ang impersonation.

Samantala, habang inaalam ang hatol ng isang random Madlang People, na kapatid pala ni hurado Gladys Reyes, nagkagulo ang ‘Showtime’ hosts dahil sa isang shot ng sapatos! At nang imbestigahan ang pangyayari, nagulat si Meme, dahil naiwan lang pala na nakabukas ang camera. Nasaan ang cameraman na may hawak nito?!

Pangarap ay abutin gamit ang talent sa singing. Panoorin ang salpukan ng dalawang estudyanteng palaban sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Ang Hospitality Management student na si Gwyneth Quilang ng Our Lady of the Pillar College-Cauayan Campus, in-entertain ang Madlang People sa pagkanta ng “Di Na Muli.”

Back to school at back to tanghalan din si Marketing Management student Kent Icalina ng University of Mindanao Tagum College. Pangalan n’ya ay Kent, pero sa entablado, pinatunayan n’yang he ‘can.’ Madlang people ay kan’yang hinarana sa awiting “Kisapmata.”

Matapos umawit at ibahagi ang kanilang mga kwento, oras na para bigyan ng scores sina Gwyneth at Kent. Sa dulo, si Kent ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie Alcasid, Nonoy Zuniga, at Darren Espanto.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.