kalokaLike Face 4: “Pepe Herrera” ng Taytay, Rizal | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

kalokaLike Face 4: “Pepe Herrera” ng Taytay, Rizal | It’s Showtime

kalokaLike Face 4: “Pepe Herrera” ng Taytay, Rizal | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 16, 2024 08:01 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Kumusta ang sweldo kahapon? Malapit na bang maubos? Basta, dito sa ‘Showtime,’ hinding-hindi mauubos ang good vibes! Huwag nang ma-pressure. May mga bagay man na mabilis mawala, mabilis din namin kayong pasasayahin.

Parang “Happy Ending” na kanta ni Idol Philippines Season 2 champion, Khimo. Haharanahin ka niya, para siguradong ngingiti ka.

Happiness din ang dala ng iba pa nating bisita! Sina Mickey Mouse at cast ng “Disney on Ice,” nasa “It’s Showtime.” Nice!

Bibida sa spotlight ang mga batang cuties–sina Argus, Imogen, Kulot, Jaze, at Kelsey! Paano nga ba sila maghanda para sa mga eksenang pangmalakasan, lalo na ‘yung may mahahabang linyahan?

ADVERTISEMENT

Ang ‘Showtime’ family, sa hulaan ay hindi nagpahuli. May Ogie Alcasid at Teddy Corpuz tandem tayo today, pati na Vhong Navarro at MC, Darren Espanto at Lassy, Kim Chiu at Jugs Jugueta, Ryan Bang at Bela Padilla, at sina Jackie Gonzaga at Vice Ganda.

Kay Vice ang first point, matapos masagot ang “Romeo and Juliet.” Inasar tuloy siya ng mga co-hosts niya, pero all-smiles lang si Meme, dahil past is past! As always, competitive mode on si Bela, na ginulat si Vice sa very ‘violent’ reaction n’ya. Biro tuloy ni Meme, aba, ang bashers niya nakapasok na sa loob ng studio, at si Bela ang pinakabagong miyembro.

Sina Darren at MC ang umabante sa jackpot round. Mag-work kaya ang kanilang teamwork?

Ang mga kawangis ng sikat na personalities, humarap sa “Kalokalike Face 4.”

Nag-iisa ka lang, Vice Ganda! Pero aliw din naman ‘yung may impersonator ka, lalo pa’t hindi lang tawa ang hatid mo sa kanya kundi inspirasyon sa buhay. Kilalanin ang drag queen na very Unkabogable Star ang dating!

Sa mukha pa lang ay Pepe Herrera na ang awra ni contestant number 2. At nang magsalita, ay, kuhang-kuha ang pagiging adorable na medyo weirdo, but in a good way. Sabi ni hurado JC De Vera, pasadong-pasado si Contestant 2 bilang Pepe!

Ang best friend ni Marian Rivera na si Boobay, sa “Kalokalike Face 4,” nakisabay! Medyo hindi lang nakasabay sa energy ng Madlang People, pero pagdating sa fez ay pwede kang ma-budol.

Golden tinig ang maririnig sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Talento ay hasang-hasa na para sa mas malaking entablado. Ipinarinig ni Francheska Empino ng Saint Paul School of Professional Studies and kan’yang astig na pag-awit ng “Believer.”

Maliit man sa paningin, pero tinig n’ya ay nanghahamon din. Si Princess Jean Duran ng Marciano Mancera Integrated School, ibinirit ang OPM classic na “Kailangan Kita.” Halos emosyonal tuloy si hurado Ogie, na sumulat ng nasabing awit para sa minamahal na si Regine Velasquez. Kayo, Madlang People, nasabi n’yo na ba sa isang tao ang mga salitang, “Kailangan kita”?

Matapos ang maikling pagsusulit, si Francheska ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie, Darren Espanto, at Louie Ocampo.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.