KalokaLike Face 4: “Ne-Yo” | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KalokaLike Face 4: “Ne-Yo” | It’s Showtime

KalokaLike Face 4: “Ne-Yo” | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 14, 2024 08:21 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Magandang ang pasok ng linggo! Attract positivity para dumapo sa'yo ang swerte!

Monday ay gawing mas romantic with OPM band "South Border" na ang timeless hits ay hindi nawawala sa ating playlists. Itaas ang mga kamay! Sa kantahan, ika’y sumabay! At kung katabi si mahal, sa mga balikat n’ya ay humimlay. Mga awitin ng South Border, gamot sa lumbay.

Nagpakita ng galing sa pag-arte ang mga chikiting na nag-uumapaw ang ka-cute-an! Iconic movie scenes ba ang hanap? Sina Argus, Kulot, Jaze, at Kelsey ang bahala d’yan!

‘Showtime’ hosts naman ang bahala sa hulaan. Hanggang dulo ay lalaban sina Cianne Dominguez at Ryan Bang, Teddy Corpuz at Ion Perez, Vhong Navarro at Jackie Gonzaga, Darren Espanto at MC, Bela Padilla at Jugs Jugueta, at si Lassy na ka-partner si “Showtime Online U” host Wize Estabillo.

ADVERTISEMENT

Unang naka-puntos sina Ryan at Cianne, pero nang tumagal ang laro, bakit puro ekis na ang sagot nila? Ay! Huwag kasing maniwala sa kalaban, Ryan at Cianne! Gigil naman si Bela, na hindi nagpatinag at sa dulo’y nanalo pa kahit kulelat no’ng una. Gigil din si Jackie–gusto rin bang manalo, o gusto lang mailabas ang hugot ng puso?

Local at international stars ang bumisita sa “It’s Showtime” studio! Plakadong impersonation ang hatid ng mga kalahok ng ‘Kalokalike Face 4.”

Maging universe ay boto sa talent at panggagaya ni contestant number 1, ang Steve Harvey ng Quezon City. Hindi terrible mistake ‘to! Steve ang arrive from head to toe! Maging si former Miss Universe-Philippines Gazini Ganados na minsan nang naka-face-to-face si Steve, ay happy sa kan’yang napanood. “Steve Havey,” sabi ni Gazini.

Umulan naman ng ‘hugot’ nang nakaharap ni Bela ang kawangis n’ya! Sige nga, mag-hugot battle kayong dalawa!

You’ll never get sick of Ne-Yo’s performance sa ‘Showtime’! Party mode on ang lahat sa pagharap ng kalokalike ng American R&B singer-songwriter na katatapos lang ng trending concert sa Pinas.

Clap, clap, clap sa tatlong contestants na naka-triple ‘kalokalike’ mula kina hurado Gazini, Chie Filomeno, Jugs Jugueta at Teddy Corpuz.

Kantahan na may tawanan ang ganap sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Unang sumabak sa entablado ang singer, pero pasado rin bilang komedyante, na si Daniel Maglanque ng Holy Angel University na inawit ang “Huwag Ka Lang Mawawala.”

Isang classic na harana naman ang handog ni James Loberanos ng Cordova Public College sa pagkanta ng “You Are My Destiny.” Ang ‘Showtime’ family, pinuri ang charm ni James, na ang boses ay bagay daw sa slow and quiet Sundays.

Ang kantahan, nahaluan ng comedy dahil kay Daniel, na bagong ‘best friend’ na raw ni Meme Vice! Hirit nga ng ‘Showtime’ hosts, kung hindi man palarin, pwedeng bumalik si Daniel bilang ‘kalokalike’ ni Babalu, dahil kopyang-kopya niya ang istilo ng pagpapatawa nito.

Babalik talaga si Daniel sa “It’s Showtime” dahil siya ang aabante sa susunod na ‘prelims’ round matapos makakuha ng mas mataaas na grado mula kina hurado Erik Santos, Nyoy Volante at Darren Espanto.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.