KalokaLike Face 4: “KC Concepcion” | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KalokaLike Face 4: “KC Concepcion” | It’s Showtime

KalokaLike Face 4: “KC Concepcion” | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Sep 30, 2024 06:31 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Madlang People, 86 days na lang, Pasko na! Ramdam n’yo na ba ang lamig ng simoy ng hangin? Uy, naghahanap ng kayakap sa gabi! Parang gusto ng katabi. If yes, certified marupok ka, bes!

Ang ating bisita na si Bryan Chong, may anthem na bagay sa’yo! Pero hindi lang naman sa pag-ibig pwedeng maging marupok. Si Bryan, marupok ‘pag add-to-cart na ang usapan!

Ikaw, saan o kanino ka marupok?

Kids na deserve ang spotlight, pagdating sa aktingan, always ready to fight! Sina Imogen at Kelsey, nag-ala Judy Ann Santos at Sarah G mula sa pelikulang “Hating Kapatid.” All-out din ang talent na ipinakita nina Argus, Kulot at Jaze! Watch the video at siguradong ika’y ma-a-amaze!

ADVERTISEMENT

Amazing din ang performance ng ‘Showtime’ family sa hulaan. Ang mga pares for today, laban na laban! Si Petite ang ka-tandem ni Ryan Bang. Darren Espanto at Cianne Dominguez, pati Jhong Hilario at Ion Perez, hindi paaawat sa pag-guess. Mukhang kinilig naman si Tetay nang maka-tandem si Wize Estabillo ng ‘Showtime Online U.’ Nakilaro rin as teammates sina Gladys Reyes at David Licauco!

Nasungkit nina Darren at Cianne ang unang puntos. Pero sina Gladys at David ang tumapos! Si David, lalong kumu-cute ‘pag nagjo-joke. Daanin na lang sa biro ang lahat ‘pag sa jackpot round ay medyo inalat!

Riot sa komedya ang “Kalokalike Face 4” dahil sa pagsulpot ng mga espesyal na bisita. From her trips abroad, sa “It’s Showtime” muna ang next destination ni ‘Mega Daughter’ KC Concepcion. Tingnan mo nga naman ang pagkakataon–si Kim Chiu pala ang makakaharap n’ya ngayon! Ito ba ang pagtatagpo ng past at ‘present’? Idaan na lang natin sa aktingan ang tensyon, featuring Ogie Alcasid as Paulo Avelino–pero matandang version.

Magandang buhay! Si ‘Asia’s Songbird’ Regine Velasquez, bumisita sa kan’yang pangalawang bahay–ang “It’s Showtime” studio. Pero, si Ogie, her darling, naguluhan sa kan’yang pagdating.

‘Showtimer’ ka ba? Kasi si contestant number 3, nandito na! Boom! Walang konek ang mga banat, pero sa karisma niya ay walang makakatapat–‘yan si

Boy Pick-Up! Paano kung si kalokalike ay nakaharap ang OG Boy Pick-Up tapos sumali pa si Regine na nagpapanggap? Ang saya ng mga ganap!

Pati si hurado Rufa Mae Quinto, sumakit ang tiyan sa kakatawa. Nand’yan din sina Chie Filomeno at Teddy Corpuz para humusga!

Sa "Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” husay ay ibinandera nang buong lakas ni Christ Jesus Montessori School, Inc. student Angel Garas. Mga hurado ay pinabilib sa concert-like performance ng "Royals" na bumayag daw sa boses n'ya, sabi ni hurado Marco Sison.

Sisikapin na maging numero uno sa entablado. St. Clare College of Caloocan student Diana Opinio, ginalingan mula umpisa hanggang dulo. Ano kaya ang komento ni hurado Karylle sa “Bust Your Windows” ni Diana?

Matapos ang salpukan ng mga boses na palaban, si Angel ang hinirang na Top 1 sa tanghalan.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.