KalokaLike Face 4: “Jackie Gonzaga” | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KalokaLike Face 4: “Jackie Gonzaga” | It’s Showtime

KalokaLike Face 4: “Jackie Gonzaga” | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 07, 2024 12:42 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Lucky you kung nahanap mo na ang ‘palagi’ mo–someone na palagi kang mamahalin, aalagaan, at pangingitiin. Pero kung ikaw ay waiting, nandito naman ang ‘Showtime’ family para ‘yong makapiling.

Pero may iba’t-ibang mukha ng palagi. Ang mga hosts for today, in-spill kung sino ang mga constant sa buhay nila. May nagbanggit ng pamilya, kaibigan, at ‘Showtime’ family. Si Cianne Dominguez, may special shoutout sa ‘Ate’ n’yang si si Jackie Gonzaga. Si Jhong Hilario, ‘palagi’ ang anak na si Sarina. Sino naman kaya ang kay Bela Padilla?

Samantala, ‘palagi’ raw ni Karylle si Ryan Bang–as in palaging kinakaasaran! ‘Palagi’ rin n’ya si Vice Ganda, na makakasama niya as teammate sa “Magpasikat 2024.”

Kayo, madlang people, sino ang ‘palagi’ n’yo?

ADVERTISEMENT

Mga cutie chikiting na sina Argus, Kulot, Jaze, Kelsey, at Imogen, G na G sa acting! G na G din ang mga pairings– Teddy Corpuz at Ogie Alcasid, Kim Chiu at Darren Espanto, Jhong Hilario at Bela Padilla, JM dela Cerna at Marielle Montellano, Jackie Gonzaga at MC, pati sina Karylle at Lassy.

Teka, hindi naman umaakting sina Marielle at JM, pero bakit ‘yung chemistry pwedeng pang-love team? Twinning din sa OOTD ang mag-besties Kim and Darren, na sumabak sa jackpot round. Tamang hula lang si Kim, pero akalain mong sapul ang sagot! That is so amazing, ‘di ba, Darren?

I-check muna natin ang face cards ng mga kalahok sa “Kalokalike Face 4.”

Hindi naman sa assuming, pero sina ‘Ate Girl’ Jackie at contestant number 1, sobrang twinning! Plakadong-plakado pati moves! Magkatunog din ang mga hugot at vocal prowess! She made us sweat and lose our breath. Hatol ng mga hurado: Kalokalike! Bet na bet!

Ang baby ni Pastillas Girl na si Flow G, bumisita sa “It’s Showtime” today! On point ang rap skills, pati maliliit na detalye sa mukha n’ya. Ano kaya ‘tong napansin ni Vice Ganda?

Isang basketball player na naman ang naka-three points sa puso ng madlang people! Jordan Clarkson n’yo, nandito! Kuha kaya n’ya ang galing ni Jordan sa pag-shoot at dribol? Kilalanin si Jordan, na pati sa usaping-puso ay game makipagkwentuhan.

Kasali rin sa kulitan ang ating resident hurados–Jugs at Teddy, Gladys Reyes, at Rufa Mae Quinto.

Pangarap ay ilalaban ng mga kabataang nais maging valedictorian sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown” Prelims.

Nagbabalik ang pambato ng Cavite State University-General Trias na si Myra San Juan upang angkinin ang golden mikropono. “Orange Colored Sky,” panlaban niya sa entablado.

Attendance check! Present si NJ Asunto ng Ilocos Norte National High School na uawit ng “Be My Lady,” with an extra collab with Ryan. Si NJ, nag-sample ng Ilocano song, na sinabayan naman ni Ryan in Korean.

Bumida rin sa kantahan ang mangingisda at estudyante mula sa Victory Global Technological College, James Dolor, na forda chill ang performance ng “Have You Ever Seen The Rain?” Hindi lang pagkanta ang nakakabilib, nakakaantig din ang kwento ni James, na isang mangingisda. Mukhang bubuhos ang tulong para matupad ni James ang pangarap na mabilhan ng bagong bangka ang ama.

Muling nagpalib ang bet ng De La Salle University-Lipa, si Christian Tibayan na bumirit ng “At Ang Hirap.” At bakit nga mga ‘miracle baby’ ang tinawag kay Christian?

Sa huli, hindi miracle ang pagkapanalo ni Christian–sadyang ginalingan lang!

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.