KalokaLike Face 4: “Billy Crawford” | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KalokaLike Face 4: “Billy Crawford” | It’s Showtime

KalokaLike Face 4: “Billy Crawford” | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 09, 2024 04:24 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Baby, it’s cold outside! Pero ang warmth and love, hindi ma-hide! Damang-dama ang pagmamahal ng kapamilya ngayong birthday celebration ni Amy Perez sa “It’s Showtime.” Naghandog ng harana sina Marielle Montellano at JM Dela Cerna, pati si XOXO member, Riel, ng mga paboritong kanta ni Tyang Amy.

Nakaka-soft ang slow dance ni Tyang with the ‘Showtime’ gentlemen, na para bang she’s a blooming debutante! Bumuhos naman ang emosyon nang magbigay ng mensahe ang kanyang pamangkin, si Karylle, na nagpasalamat sa suporta at pagmamahal niyang real na real.

Tawang-tawa naman si Tyang Amy sa blooper ni Ogie Alcasid, pati na rin sa greeting ni Ryan Bang. Happy Birthday, Tyang!

Dahil positive lang ang mindset, ang ‘Showtime’ hosts, nakaligtas sa parusa. “Bata Bata Pick” muna tayo–sino kina Imogen, Enicka, Jaze, at Kelsey ang MVP today?

ADVERTISEMENT

Muntik-muntikan nang makatanggap ng FUNishment si Teddy Corpuz na dalawang beses nabunot bilang alay. Buti na lang, mga batang napili nina Cianne Dominguez at Vhong Navarro, todo-bigay. Nang Round 3 na, sobrang kinabahan si Jugs Jugueta sa close fight ng bata niyang si Imogen at ni Enicka. Buti na lang sinuwerte, kaya safe sa FUNishment si Kuya Juggy.

Ang madlang people naman, feeling lucky sa 30, 000 pesos na kanilang paghahati-hatian.

Sina Skusta Clee, Billy Crawford, Ely Buendia, hinusguhan kung tunay na kahulma ng mga iniidolo nila. Rain or shine, tuloy-tuloy ang fun at laughtrip na hardcore sa “KalokaLike Face 4.”

Baby, kalma, sabi ng look-alike ni Skusta. Pero mukhang madlang people ay mas naging ‘wild’ dahil sa lakas ng kanyang arrive! Mula sa tattoos pati facial expression, Skusta na Skusta–kita n’yo ba ‘yon? Dahil sa lakas ng dating ni Skusta, mukhang nahanap na ni Ogie ang katapat niya. Daanin na lang sa rap battle ang pagwapuhan!

Rakrakan na matindi ang vibe ni Ely! Sina hurado Teddy Corpuz at Jugs Jugueta, napatayo sa sobrang pagkamangha. Kasi naman, mula ulo hanggang paa, kamukhang-kamukha! At ano ‘tong request ni hurado Tony Labrusca? Pagbigyan kaya siya ni ‘Ely Buendia’?

Si Vhong Navarro naman ang nawindang sa biglaang reunion nila ng Billy sa tanghalian. This calls for a dance showdown! Huwag lang daw babad sabi ni hurado Rufa Mae Quinto, dahil habang tinititigan, medyo hindi na Billy ang datingan.

Umulan ng talento sa entablado! Si Aliyah Alberva ng University of Perpetual Help System Laguna-Isabela, lumuwas para sumali sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.” Bukod sa masarap na kantahan, ang saya rin ng kwentuhan tungkol sa mga karanasan ni Aliyah, na na-starstruck sa lakas ng dating ni Vice Ganda!

Bagay na bagay naman sa chill weather ang performance ni Den Khayelle Quiatchion ng National University-Laguna. Dahil sa kanta niyang “I Say A Little Prayer,” napa-throwback ang ‘Showtime’ hosts sa mga paborito nilang movie OSTs from the ‘90s. At nagtuloy-tuloy pa ang kwentuhan tungkol sa mga ‘BFFs’ ni Meme. Remember her ‘friendship’ with Britney Spears at Jennifer Lopez? Hirit pa ni Meme, maging si Jospehine Bracken ay naging kaibigan niya.

For today’s TNT, si Den ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Nyoy Volante, Ogie, at Darren Espanto

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.