KalokaLike: “BLACKPINK Rosé” | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

KalokaLike: “BLACKPINK Rosé” | It’s Showtime

KalokaLike: “BLACKPINK Rosé” | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Oct 09, 2024 07:17 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

“Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo?”– ‘yan ang title ng bagong kanta ng “The Itchyworms” ni Jugs Jugueta. Maki-jam na sa fun tugtugan na hatid ng kanilang banda!

Natanong mo na rin ba ‘yan sa ‘yong sarili? Uy, na-senti! Buti ka pa may naaalala! Kasi si Bela Padilla, mukhang nalimot na kung sino ang bumida sa pelikula ng may kaparehas na pamagat. Bela, si ‘bestie’ Kim Chiu mo ‘yon! Para bumawi sa BFF, ni-recall ni Bela ang isang eksena mula sa pelikula. Pero, si Kim, mukhang ayaw nang mag-detalye!

Aktingan na malupit ang hatid nina Imogen, Kelsey, Kulot, at Jaze sa “Showing Buliit.”

Ang fighting spirit ng players, mas pina-higher dahil back to ‘Showtime’ na si Vice Ganda, na si Ogie Alcasid ang kapareha. Pero hindi aatras sa hulaan sina Kim at MC, Jhong Hilaro at Lassy, Jugs Jugueta at Ion Perez, Vhong Navarro at Ryan Bang, at sina Teddy Corpuz at Bela.

ADVERTISEMENT

Forda chika ang Meme, na ipinakilala ang kan’yang bagong ‘baby’ na si Zimomo. Pagdating naman sa laro, title lang ang usapan, labas na ang spelling d’yan! Pero bawas-puntos ba kung ang pelikula ay hindi ‘bagay’ sa sumagot? Nag-react si MC, bakit si Lassy ang nakahula ng “My Perfect You,” eh, hindi naman siya perfect?

Alam n’yo kung ano ang perfect? Ang bonding moments kasama ang ‘Showtime’ family!

Blackpink in your area! Sina Blackpick Rosé at Lisa, sa “Kalokalike Face 4” lang pala magkikita? Patingin nga ng hataw ala-Blackpink! Eh, ‘yung energy na pangmalakasan? Kaya ba’ng itaas today, Rosé? Samantala, our resident Korean interpreter, Ryan Bang, tumulong na iparating ang mensahe ng “Kalokalike” contestants sa totoong Blackpink members. Malay n’yo, mapansin!

Kung ‘nanggigil’ si Meme Vice dahil sa mababang energy ni Rosé, naloka naman siya sa magulong kuwento ni Whamos Cruz. Pero, ayos lang! Basta ang mukha na ala-Whamos ay mapanindigan!

Sino kaya sa tatlo ang pasado kina hurado Jugs at Teddy, JC De Vera, at Rufa Mae Quinto.

Mga nakaka-in love na tinig ang narinig sa “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.”

Damang-dama ang puso ng nagbabalik-TNT na si Adrian Nebreja ng The Lewis College. Madlang People ay kan’yang hinarana sa OPM classic na “Paano.”

Unang bitaw pa lang ng lyrics ay kuha na ni Jake Ivan Dela Pobres ang puso ng Madlang People. Ang pambato ng Dr. Aurelio Mendoza Memorial Colleges, pangingitiin ka sa kan’yang pag-awit ng “Exchange of Hearts.” Napatanong tuloy si Kim kung may ka-‘exchange of heart’ na si Jake Ivan. ‘Yun lang, na-back to you si Kimmy!

Matapos ang naging performances, si Adrian ang nakakuha ng mas mataas na grado mula kina hurado Ogie Alcasid, Zsa Zsa Padilla, at Kean Cipriano.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.