‘Chloe San Jose’ ng Bulacan, hindi nagpahuli sa kalokaLike | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Chloe San Jose’ ng Bulacan, hindi nagpahuli sa kalokaLike | It’s Showtime

‘Chloe San Jose’ ng Bulacan, hindi nagpahuli sa kalokaLike | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Nov 09, 2024 06:34 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Palayain ang sarili sa lungkot at sakit! This weekend, palayain din ang isip sa mga pressure sa trabaho at mga deadlines ng bayarin na hinahabol ka– parang mga multo!

Palayain ang puso. ‘Yan ang mensahe ng bandang Agsunta sa kanilang kanta. Hindi tuloy maiwasan ang hummugot! Kaya ba si Jackie Gonzaga, eh parang natamaan sa sinabi ni Teddy Corpuz? Agree naman tayo kay Jackie, na minsan may mga ‘paglaya’ na masarap sa feeling. Dahil minsan, mas kailangan mong bumitaw kaysa manatili.

At hindi ‘to pagiging OA. Real talk only! Kayo, Madlang People, ano’ng hugot n’yo tungkol sa paglaya?

Salamin, salamin, sabihin ang ‘yong hatol, sinong contestant ang dapat manalo sa Kalokalike Face 4?

ADVERTISEMENT

Wala man ang mahal niya, game with all confidence pa rin na umawra si Chloe San Jose. Ay! Kamukha lang pala! Hulma ng mukha ay iisa–‘yan naman ang mahalaga. Sa next round na lang babawi sa pagkanta si mima!

Eyyable naman ang OOTD at galawan ni contestant number 2, ang BINI Sheena. Teka, may humamon! Ang pambato ni BINI, tinapatan ng isa pang BINI, as in BINI the Pooh! Pasok, MC!

Humanap ka ng panget at ibigin mong tunay, sabi ni contestant number 3 na kawangis daw ni Andrew E! Kung siya si Andrew, dapat rap skills n’ya ay pulido. Yes, yes, yow! Subukan natin ang husay niya sa isang on-thee-spot rap performance sa entablado.

Girl power ang vibe sa preliminary examination o weekly finals ng Tawag Ng Tanghalan The School Showdown kung saan limang estudyante ang nagbalik upang golden mikropono ay masungkit!

Enchanting ang feels sa studio dahil sa out-of-this-world performance ni Aihna Imperial ng Bicol University na inawit ang “Tao” by Sampaguita. Kaya si Meme Vice Ganda, hindi napigilang mag-request ng isa pa!

Madlang People ay hinarana ni Carmella Garcia ng Tayabas Western University na tinimplahan ng lambing at power ang “I Love You” ni Celine Dion.

“Ako Ang Nagwagi,” awit ni Jean Orgel ng La Filipina National High School sa entablado. Si Jean ay kapatid ni Pinoy Big Brother alum Lie Reposposa, na minsa’y naging TNT contender din.

Ika’y mapapapikit sa sweetness ng boses ni Bohol Island State University student Geraldine Marikit na pinili ang OPM hit “Kailangan Ko’y Ikaw” bilang piyesa.

Everyday is Valentine’s Day ‘pag pinakinggan mo ang ang bersyon ni Lyceum of the Philippines University-Batangas student Irish Rosales ng “Araw-Araw” by Ben&Ben.

Matapos ang preliminary examination, lahat ng kalahok ay worthy of a standing ovation, pero iisa lamang ang umangat. Siya ay walang iba kundi si Aihna, ang pambato ng Bicol University. Pasok na siya sa susunod na Midterms.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.