Barbie Forteza, nagbabalik Showtime bilang guest co-host | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Barbie Forteza, nagbabalik Showtime bilang guest co-host | It’s Showtime

Barbie Forteza, nagbabalik Showtime bilang guest co-host | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated May 11, 2024 06:23 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Happy Mother’s Day sa mga ‘mothering’ nating Kapamilya! Ang “It’s Showtime” family, may hatid na tagos-pusong performances at mga exciting na sorpresa!

Isang matamis na harana ang regalo ng mga “Tawag Ng Tanghalan” champions na sina Lyka Estrella, Marielle Montellano, Rea Gen Villareal, Reiven Umali, JM dela Cerna, at JM Yosures.

But, wait, there’s more! Presenting our beautiful bisita na si Barbie Forteza! Energy ba kamo? Marami siya n’yan! Kaya’t tiyak na mas happy na naman ang ating FUNanghalian!

Ang dating minamahal ay lumisan, pero puso’y handa nang muling buksan. Para sa Mother’s Day Special ng “EXpecially For You,” kilalanin ang beautiful biyuda na si Mommy Rhina. Ang kanyang kwento ay kukurot sa inyong mga puso, lalo na sa mga ‘momshies’ na dumaranas ng pighati matapos mawalan ng katuwang sa buhay.

ADVERTISEMENT

Kasama n’ya ang kanyang good sons na sina Nathan at Neron upang tulungan s’yang kilatisin ang tatlong matitipunong searchees.

Araw na naman ng pagsusulit! Kaya’t galingan ang pag-awit upang pwesto sa ‘midterms’ ay masungkit!
For today’s “Tawag Ng Tanghalan The School Showdown,” sumabak sa ‘prelims’ o weekly finals ang pambato ng Pangasinan State University na si Daniel Vinluan na umawit ng “Maging Sino Ka Man.”

Hindi rin umatras sa laban si Charmelle Badiola ng Ateneo De Naga University na pinatunayan ang kanyang husay sa pagkanta ng “On My Own.”

Malakas ang dating ng pambato ng Lyceum of the Philippines University-Batangas na si Kizner Blanco. Napasayaw ang madlang people sa pagkanta n’ya ng “Sex Bomb.”

Crystal clear voice naman ang panlaban ni Krystal Concepcion ng Luis Fe Gomez Diamantina National High School na nagpabilib sa pagkanta n’ya ng “I Believe.”

‘Lavarn na lavarn’ din sa tanghalan ang pambato ng Rizal Technological University na si Lovern Apa. Mala-anghel n’yang boses ay iduduyan ka sa langit sa kanyang pag-awit ng “Over The Rainbow.” S’ya ang nakakuha ng pinakamataas na marka – 94% – mula kina ‘hurado’ Ogie Alcasid, Nyoy Volante, at Mark Bautista.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.