‘AC Bonifacio’ ng Batangas, nagpakita ng mataas na energy sa kalokaLike | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘AC Bonifacio’ ng Batangas, nagpakita ng mataas na energy sa kalokaLike | It’s Showtime

‘AC Bonifacio’ ng Batangas, nagpakita ng mataas na energy sa kalokaLike | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Nov 07, 2024 04:32 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Patingin ng pinakamatamis at pinakamaganda n'yong ngiti! Buhay ay hindi playtime, pero time out muna sa pagiging seryoso. Tulad ng bisita natin today na in-enjoy lang ang performance nila sa 'Showtime' stage! Madlang People, give it up for PLAYERTWO! Kilalanin ang grupo at alamin kung paano sila nabuo.

Pagdating sa pagiging solido, wala nang dapat patunayan pa sina Vhong Navarro at Jhong Hilario. Pero minsan, masaya rin ang kaunting laglagan! Kuys Vhong, ano’ng balita sa’yong kaibigan?

'Pag maganda ang samahan, team work ang mangingibabaw sa hulaan. Mga magkakapares, ginalingan! Present sina Ogie Alcasid at Ryan Bang, Ion Perez at Jackie Gonzaga, Jhong at Lassy, Kim Chiu at MC, Vhong at Cianne Dominguez, Teddy Corpuz at Darren Espanto.

"Status: It's Complicated", sagot sa isang eksena. Si Kim, inusisa tuloy tungkol sa status nya. Impressive naman si Kuys Vhong with his knowledge about a Jolina Magdangal movie. Tanong naman ni Jhong kay Ryan, "Jolina ka rin ba?"

ADVERTISEMENT

From behind, biglang bumawi sina Jhong at Lassy hanggang maka-two points at sa jackpot round umabante. Ikaw na, Lassy, ang bagong may hawak ng korona! Masyadong ginalingan, kaya araw-araw panalo!

Mamukhaan mo kaya ang mga kawangis ng celebrities? Nood na ng "Kalokalike Face 4" at kayo ang kumilatis!

From "Vancouver," moves ay AC Bonifacio, pero pag nagsalita, parang Rufa Mae Quinto! Pati si Vice Ganda ay naguluhan sa mga prepositions na ipinaglalaban ni contestant number 1. Pero ang mahalaga, madlang people ay tuwang-tuwa!

Wait, there's more! Si Selena Gomez kalokalike, playtime rin ang eksena. At ‘pag nag-usap sina AC at Selena, aba, riot malala!

Bata o matanda, may ngipin o wala, tatawa ka nang wagas 'pag si Boobsie Wonderland na ang bumanat. Teka, mukhang may namumuong love team! Boobsie at Dumbo?! Hmm. Madlang people, bet n'yo ba ang ship na 'to?

Intense ang salpukan ng mga boses na palaban sa Tawag Ng Tanghalan The School Showdown.

Malambing na "If I Ain't Got You" ang hatid ni Madridejos Community College student Jhon Fril Villaceran.

Mapuso ang pag-awit ni Geraldine Marikit ng Bohol Island State University. "Kailan Kaya" ang napili n'yang piyesa. Bukod sa pagiging singer, karir din si Geraldine bilang volleyball player. Kung si Geraldine ay open spiker, si Lassy naman daw ay open pores.

Dahil malapit na tayong magpalit ng taon, si Vice Ganda, may mga predictions! Good fortune ang nakikita niya kay Kim; samantalang si John Fril ay nahuhulaan niyang magtatagumpay... sa paggawa ng siomai? At ano naman ang kan’yang hula kina Amy at Jackie?

Oras na para malaman ang grado ng dalawang kalahok! Matapos ang laban, si Geraldine ang nakakuha ng mas mataas na puntos mula kina hurado Ogie Alcasid, Bituin Escalante, at Darren Espanto.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.