70 KalokaLike Face 4 Daily Winners, maghaharap na sa star-studded Elimination Face! | It’s Showtime | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

70 KalokaLike Face 4 Daily Winners, maghaharap na sa star-studded Elimination Face! | It’s Showtime

70 KalokaLike Face 4 Daily Winners, maghaharap na sa star-studded Elimination Face! | It’s Showtime

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Nov 16, 2024 04:27 PM PHT

Clipboard

iWantTFC

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Watch more on iWantTFC.com. Watch hundreds of Pinoy shows, movies, live sports and news.

Unti-unti na bang nabubuo ang Christmas wish lists n’yo? Dito sa “It’s Showtime,” maagang dumating ang aguinaldo with SB19 member Pablo! Huwag pabubudol sa cute n’yang dimple na looking sweet and demure. Dahil ‘pag s’ya ay nag-perform, wow, halimaw ang galaw! At hindi pa d’yan nagtatapos ang mga regalo dahil more good news pa ang dala ni Pablo. Kaya si Ogie Alcasid, ang nasabi na lang ay, “Naol.”

Naganap na ang pinakamalaki at pinakamaningning na face-tival ng taon! Face-siklaban to the max ang labanan sa “Kalokalike Face 4” Elimination Face.

Mula sa 70 daily winners, Top 25 lamang ang mapipili para umabante sa Semi-Finals. Sina hurado Gladys Reyes, Jugs Jugueta, Teddy Corpuz, Richard Yap, Gazini Ganados, at Rufa Mae Quinto ang kumilatis sa mga contenders. Ang kanilang misyon: piliin ang mga pinaka-kalokalike of them all.

Pasok sa banga ang mga kamukha nina Bruno Mars, Carlos Yulo, Stephen Curry, BINI Maloi, Daniel Padilla, Jackie Gonzaga, Jason Momoa, Boy Abunda, Steve Harvey, Charo Santos, Ariana Grande, KZ Tandingan, Jordan Clarkson, April Boy Regino, Marian Rivera, Lassy, BINI Jhoanna, Boss Toyo, Super Tekla, Lebron James, Piolo Pascual, Ely Buendia, Kathryn Bernardo, Snoop Dogg, at Jericho Rosales.

ADVERTISEMENT

Pero, dahil malakas ang boses ng taumbayan, isang plot twist ang nagpa-excite sa lahat. Dahil marami ang deserving, nagdagdag pa ng limang aabante sa semis. Pasok na rin sina Jillian Ward, Awra Briguela, Lovi Poe, BINI Gwen, at ang kumumpleto sa Top 30 ay ang copycat ni Vice Ganda.

Mga mukha ng makabagong tunog ng OPM ang nagningning sa Tawag Ng Tanghalan The School Showdown Prelims.

Talento at good vibes ang handog ni Antonio Tapil. Hindi man kasama ang pamilya sa studio, pero ramdam n’ya ang suporta nito. Idaan na lang sa pagwo-walling ang kaba. Good job, Antonio, pinasaya mo ang madla. Pati si hurado Marco Sison ay aliw sa stage presence ng pambato ng Putat National High School.

Bandera ng Christian Ecclesiastical School, itinaas ni Patricia delos Santos. Surely, malayo ang kan’yang mararating, kaya ang payo ni hurado Ogie, don’t stop believing.

Entertaining naman kung ilarawan ni hurado Dingdong Avanzado ang pagkanta ni Canlubang Integrated School bet Hargie Ganza sa entablado.

Bulacan State University ay tiyak napahiyaw sa pag-awit ni Jayson Dimasayao ng “Dilaw.” Sabi ni hurado Ogie, bagay ang OPM hit sa boses ni Jayson.

Para kay hurado Marco, mapuso ang pagkanta ni Gordon College student Jade Marie Cayosa. “Hindi Ako Laruan,” napili n’yang piyesa sa tanghalan.

Sa dulo, isang tinig lamang ang umangat. Hinirang na Top 1 for today’s video si Hargie ng Canlubang Integrated School. Aabante na siya sa Midterms.

Watch your favorite TV programs on Kapamilya Channel on SKY, Cablelink, G Sat, and most cable operators under PCTA nationwide.

On-demand viewing of programs' full episodes is available on iWantTFC. Just download the app on Google Play or App Store, or visit iWantTFC.com.

Viewers can also continue to follow the show on Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page.

The shows are also seen on A2Z Channel 11, available on analog broadcast in Metro Manila and parts of Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, and Pampanga. It is also available on cable and satellite TV providers nationwide.

Viewers outside of the Philippines can also catch it on The Filipino Channel on cable and IPTV.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.