Mga mangangalakal, nagwagi ng mahigit P2 milyon bilang jackpot prize sa “Everybody, Sing!” | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Mga mangangalakal, nagwagi ng mahigit P2 milyon bilang jackpot prize sa “Everybody, Sing!”

Entertainment.ABS-CBN.com
Published Sep 09, 2023 12:26 AM PHT

Naging maswerte ang weekend ng 100 na mangangalakal nang maiuwi nila ang jackpot prize na P2,200,000 sa "Everybody, Sing" noong nakaraang Sabado at Linggo (Setyembre 2 at 3).

Sa pre-jackpot round noong Sabado, mayroong 74 na segundo ang mga kalahok para hulaan ang 10 kanta. Nanalo sila ng P200,000 pre-jackpot prize dahil kanta ni Vice Ganda na “KaraKaraka” matapos ang paghihirap na mahulaan ito nang maraming beses. Nag-viral sa social media ang pag-uusap ng mga contestantant at ni Vice Ganda.

Sa jackpot round noong Linggo, mayroong 86 na segundo ang grupo para hulaan na naman ang 10 kanta, na nadagdagan pa ng 10 segundo pagkatapos makuha ang bonus na kanta. Nanalo sila ng P2 million jackpot prize matapos mahulaan nang tama ang “Kabataan Para Sa Kinabukasan” ni Francis Magalona.

“Itong araw na ito ay nakatadhana para maging masaya kayong lahat. Sa dinami-dami ng ginagawa niyong paghihirap, pagtitiis, at pagsasakripisyo araw-araw, deserve niyo naman ‘yung oras na nagsasaya na kayo, kumikita pa kayo,” sabi ni Vice Ganda sa mga emosyonal na mangangalakal matapos manalo ng jackpot.

Bukod sa songbayanan na ito, ang grupo ng mag-ama at Manila fire survivors pa lang ang nanalo ng P2,000,000 jackpot prize sa ikatlong season ng palabas.

Abangan ang “Everybody, Sing!”, ang Best Asian Original Game Show sa ContentAsia Awards 2023, tuwing weekend sa A2Z, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, TV5, iWantTFC, at TFC IPTV.

Read More:
Songbayanan
everybody sing
vice ganda
unkabogable host
ContentAsia Awards
ContentAsia Awards 2023
Best Asian Original Game Show
songbayanan mangangalakal
Songbayanan garbage traders
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT