Dimples, Miko, Karina, Vivree, KoDrea, at marami pang iba, tampok sa "Love Bites"

Walong iba't ibang kwento ng pag-ibig na kakagat at mag-iiwan na marka sa manonood sa "Love Bites" na handog at iprinodus ng ABS-CBN Entertainment para sa 41 milyong subscribers nito sa YouTube.

"Naiisip ko na meron kinds of love gaya nitong short stories na ito na it gets stuck on you and it just grows on you. Meron mga kilig at pagmamahal na ambilis bills lang dumaan sa iyo pero it may have lasting effect," paliwanag ni Dimples Romana tungkol sa konsepto ng show na ito. Kabilang siya sa episode "Letters for Leah" kasama sina Miko Raval, Lance Carr, at Angelica Lao.

Labis naman na nagpapasalamat sina Angela Trajano, Sky Quizon, Nico Antonio, Concon Felix, at Genesis Redido na mabigyan sila na oportunidad bigyang buhay ang ilang kwento ng mga taga- LGBTQIA na mapapanood sa bagong anthology.

Ani ni Sky, "Kami nina Kuya Nico, at Genesis, we are trying to normalize it. Yes, BL is a genre. Sa tulong RCD Narratives, we try to normalize it na it's just love. It's not based on gender. Kung ano ang nae-experience ng straight people, na-experience ng lahat."

Para naman kay Genesis, gusto niya maputol ang diskriminasyon sa mga LGBTQIA+ sa pagpayag niya gumanap sa mga kwentong ito.

"Sobrang proud ako na gumaganap ako ng boys love dahil natutulungan yung kapatid ko na si Angela (Trajano). Siya talaga yung rason kung bakit ko tinatanggap ito. Ito yung bagay na na-ireregalo ko sa kanya para ma-normalize ito o mawala yung diskriminasyon," dagdag niya.

Bukod sa mga kwento nina Sky, Nico, at Genesis na pinamagatang "He Must Choose," Angela at Kristof Garcia na "Hearts of Pride," at Khyza Villalino at Concon Felix na "First Love, Last Love," dapat din abangan ang first offering ng "Love Bites" tampok sina Vivoree Esclito at Anthony Jennings na "Lost and Found." Tungkol ito sa nagdaang past relationships ng hopeless romantic na si Aina (Vivoree).

Mapapanood naman sa susunod pang mga Biyernes sina Karina Bautista at Gello Marquez sa "One Post Away", Andi Abaya at Kobie Brown sa "Miss Astrologer", at JC Alcantara at Shanaia Gomez sa "TOTGA."

Ang "Love Bites" ay idinerehe nina Kevin Alambra at Dado C. Lumibao.

Panoorin ang fresh episodes ng Made For YouTube offering sa tulong ng RCD Narratives na "Love Bites," tuwing 8PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.