Kaila, Chie, Anji, Angela at Kim, tampok sa bagong season ng “Love Bites” | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kaila, Chie, Anji, Angela at Kim, tampok sa bagong season ng “Love Bites”

Kaila, Chie, Anji, Angela at Kim, tampok sa bagong season ng “Love Bites”

Entertainment.ABS-CBN.com

 | 

Updated Apr 22, 2023 08:40 AM PHT

Clipboard

Walong iba't ibang kwento ng pag-ibig ang pagbibidahan ng ilan sa mga bituin ng ABS-CBN na sina Kaila Estrada, Chie Filomeno, Kim Rodriguez, Joao Constancia, Anji Salvacion, Angela Ken, at marami pang iba sa ikalawang season ng "Love Bites" ng ABS-CBN Entertainment na magsisimula ngayong Abril 28 (Biyernes).

Ngayong tag-init, ipapakita ng programa ang kagandahan ng Oriental Mindoro at tatalakayin ang iba't ibang tema ng pag-ibig tulad ng young love, second chances, closure, at iba pa.

Sa unang episode, magtatambal sina Kim Rodriguez at Ian Pangilinan sa isang kwento tungkol sa babaeng si Kath na bibili ng wedding dress kahit pa wala itong nobyo o mapapangasawa. Matapos ang kanyang pagbili, makikilala niya ang pastor na si Eman. Senyales ba ang wedding dress ng posibleng pagdating ng bagong pag-ibig sa kanyang buhay o isa lamang itong walang kwentang pagbili?

Kaila, Chie, Anji, Angela at Kim, tampok sa bagong season ng “Love Bites”

Bukod sa episode na "Wedding Dress," panoorin din ang mga storyang pagbibidahan nina Aya Fernandez at Iana Bernardez ("Stand In Love"), Angela at LA Santos ("Boy Next Door"), Kaila, Joao, at Chie ("Closure"), at Daniela Stranner at Batit Espirtu ("Summer Camp).

ADVERTISEMENT

Love Bites

Love Bites

Love Bites

Love Bites

Abangan din sina Jay Gonzaga at Enzo Almario sa "Boy Meets Man,” Anji, Jana Agoncillo, Elyson de Dios, at Marc Santiago sa "Wedding Booth," at Mary Joy Apostol at Jomari Angeles sa "Honest Love."

Love Bites

Love Bites

Love Bites

Ito ay sa ilalim ng produksyon ng RCD Narratives, ang grupo sa likod ng "MMK," "The Killer Bride," "A Soldier's Heart," at "Viral Scandal" at direksyon nina Kevin Alambra at Raz dela Torre.

Panoorin ang fresh episodes ng Made For YouTube offering na "Love Bites," tuwing 8PM sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.