ABS-CBN, ipinakita ang mga bagong palabas ngayong 2023 | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
ABS-CBN, ipinakita ang mga bagong palabas ngayong 2023

Entertainment.ABS-CBN.com
Published Dec 24, 2022 08:45 AM PHT
|
Updated Dec 24, 2022 08:46 AM PHT

Patuloy ang ABS-CBN sa paglikha ng mga dekalidad at makabuluhang mga palabas sa susunod na taon matapos nitong ipakita ang mga dapat abangang bagong show sa 2023.

Ipinasilip ng kumpanya ang anim na bagong serye na dapat abangan, kasama na rito ang “Dirty Linen”na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo, Janine Gutierrez, Francine Diaz, at Seth Fedelin, “FPJ's Batang Quiapo” nina Coco Martin at Lovi Poe, “Linlang,”ang pagbabalik telebisyon ni Diamond Star Maricel Soriano, ang unang teleserye ng DonBelle na “Can't Buy Me Love,” ang “Drag You And Me” na pangungunahan ni Andrea Brillantes, at ang iWantTFC youth series na “Teen Clash" nina Markus Paterson, Jayda Avanzado, at Aljon Mendoza.

Magbabalik rin ang hit reality singing contest na “The Voice Kids” para sa bagong season nito kasama si coach Bamboo at mga bagong coach na sina KZ Tandingan at Martin Nievera. May bagong season rin ang “I Can See Your Voice” kasama si Luis Manzano bilang host.

Ipagdiriwang din ng ABS-CBN ang ika-60 taon sa industriya ni Star for all Seasons Vilma Santos sa pamamagitan ng mga espesyal at eksklusibong palabas kabilang na ang one-on-one interview nito kasama si Boy Abunda.

ADVERTISEMENT
Patuloy ang kasiyahan dahil nakatakda ring ipalabas ang Miss Universe 2023, live mula sa Estados Unidos, sa iba’t ibang platform ng ABS-CBN sa Enero 15.

Handog rin ng ABS-CBN Films ang isang bagong pelikula na “Love on a Budget,” kung saan bibida sina Carlo Aquino at Metro Manila Film Festival 2020 Best Actress na si Charlie Dizon, habang ang pinakaaabangang international series na “Cattleya Killer” na pinagbibidahan ni Arjo Atayde ay mapapanood na rin sa 2023.

Read More:
ABS-CBN
ABS-CBN Entertainment
Dirty Linen
FPJ's Batang Quiapo
Batang Quiapo
Linlang
Drag You And Me
Teen Clash
Can’t Buy Me Love
ABS-CBN show
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT