• SATURDAY AFTER PAANO KITA MAPAPASALAMATAN | SUNDAY AFTER IBA 'YAN
  • SATURDAY AFTER PAANO KITA MAPAPASALAMATAN | SUNDAY AFTER IBA 'YAN
Jhong, nag-hari sa unang linggo ng Your Face Sounds Familiar Season 3

Nag-hari ang Sample King na si Jhong Hilario sa kanilang unang sabak sa Your Face Sounds Familiar Season 3 na nagsimula nang maghatid ng liwanag at ligaya noong Sabado at Linggo (Pebrero 20 at 21) sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC.

Nakuha ni Jhong ang pinakamaraming boto mula sa mga jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta,  at maging sa kanyang mga ka-kompetitsyon dahil sa kanyang saktong panggagaya sa Black Eyed Peas rapper na si Apl.de.ap.

Noong Martes (Pebrero 23), nasa Top 12 pa rin ng mga trending video sa YouTube ang kanyang bersyon ng “Bebot” na may mahigit 700k views na, habang ang pag-transform ni Lie Reposposa bilang Moira Dela Torre ay nakahakot na ng higit sa 900k views. Pinakamababa man ang nakuhang boto, si Vivoree naman ang nagniningning sa YouTube pagkatapos makakuha ng mahigit sa 1.3 milyong views ang pag-awit at sayaw niya ng “Tala” ala-Sarah Geronimo.

Tulad nila, kinagiliwan rin ng mga tao ang paglabas nina Christian Bables bilang Adam Levine, CJ Navato bilang Jose Mari Chan, Geneva Cruz bilang Jennifer Lopez, Klarisse De Guzman bilang Christina Aguilera, at iDolls bilang Hagibis, kung kayat daan-daang libong views din ang nakuha nila sa YouTube.

Dama naman ang pananabik ng mga manonood sa pagbabalik ng programa sa Twitter sa pag-trend ng mga hashtag na #YourFacePH2021 at #YFSFKaFamiliarForever sa Pilipinas noong Sabado at Linggo, maliban pa sa ibang mga salitang may kinalaman sa sikat na musical impersonation competition.

Sabi pa ng netizen na si @Dyfur2525, “Great start! Napakahusay ng mga contestant ng #YFSFKaFamiliarForever. And they're doing it live at hindi lip sync!”

Mainit rin ang naging pagtanggap ng KaFamiliars sa bagong host na si Luis Manzano. Ika ni @abby5778 sa Twitter, “Galing talagang host ni Luis Manzano!!! Ikaw talaga ang nag iisang Pambansang Host!!!”

Sa susunod na weekend, aasahan ang marami pang nakabibilib na transformation, world-class na pagtatanghal, at aliw at saya sa pagsabak muli ng celebrity performers sa Iconator patungo sa P1 milyong grand prize. Abangan si Jhong bilang Bamboo, si Vivoree bilang Geneva Cruz, si Lie bilang Whitney Houston, si Christian bilang Cher, si CJ bilang Frank Sinatra, si Geneva bilang Pilita Corrales, si Klarisse bilang Shakira, at ang iDolls bilang Dreamgirls. Makakatulong nila sa paghahanda ang mga mentor na sina Nyoy Volante at Jed Madela.

Huwag palampasin ang Your Face Sounds Familiar Season 3 tuwing Sabado ng 8 pm at Linggo ng 7:30 pm sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live, at iWantTFC. Abangan din anga “KaFamiliar Online Live” show kasama sina Darren Espanto at AC Bonifacio sa Kapamilya Online Live tuwing commercial breaks. Mapapanood rin sa “Your Face Sounds Familiar” YouTube channel ang kanilang performances. Para sa updates, sundan ang @YourFacePH sa Facebook, Twitter, at Instagram.