• SATURDAY AFTER PAANO KITA MAPAPASALAMATAN | SUNDAY AFTER IBA 'YAN
  • SATURDAY AFTER PAANO KITA MAPAPASALAMATAN | SUNDAY AFTER IBA 'YAN
Klarisse itinanghal na grand winner ng Your Face Sounds Familiar Season 3

Si Klarisse de Guzman  ang hinirang na Grand Winner ng Your Face Sounds Familiar Season 3 matapos makuha ang pinakamataas na puntos sa The Grand Showdown, na napanood sa Kapamilya Channel at A2Z channel 11 noong Mayo 29 at Mayo 30

 

 

Sa kanyang paglabas bilang Patti LaBelle, nakamit ng tinaguriang the Soul Diva ang score na 90 percent, base sa combined accumulated scores at public votes, para manguna sa mga celebrity performer sa hit Kapamilya celebrity musical impersonation competition.

 

 

“Sobrang ‘di po ako makapaniwala kasi sobrang tagal ko nang pinangarap na makahawak ng trophy as a title,” ani Klarisse, na nag-uwi ng tropeo, P1 milyon, at brand new house and lot mula sa Lessandra bilang kampeon ng season na ito.

 

 

Dagdag pa niya, “Mahal na mahal ko po ‘tong show and hindi ko po makakalimutan ang experience na ito kasi parang iniba niya po ako. Na-try ko ‘yung mga bagay na hindi ko nagagawa before so maraming maraming salamat po.”

Pumangalawa naman sa kanya si Lie Reposposa na ginaya si Dulce (80.43%), kasunod sina Vivoree Esclito na nag ala-Ariana Grande (78.4%), ang iDolls na umawit bilang the Three Tenors (72.35%), si Christian Bables na lumabas bilang Lady Gaga (63.2%), si CJ Navato na nag-ala Bruno Mars (59.39%), at si Geneva Cruz na lumabas bilang Nicole Scherzinger (46.88%).

 

 

Sa Grand Showdown, 50 porsyento ng final score ng contestants ay magmumula sa pinagsamang puntos mula sa jury na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, at Sharon Cuneta mula Week 1 hanggang Week 12. Ang natitirang 50 porsyento naman ay base sa text votes mula sa mga manonood na nakaboto pagkatapos ng lahat ng performances sa Grand Showdown. 

Tunay na napabilib ng mga celebrity performer ang host na si Luis Manzano, ang jurors, at celebrity mentors Jed Madela at Nyoy Volante sa kanilang huling paglabas sa iconator bilang mga music icon na sila mismo pumili. Sa dulo, pinakanagningning si Klarisse na una nang ginaya sina Christina Aguilera, Shakira, Jaya, Britney Spears, Minnie Riperton, Mariah Carey, Tom Jones, Lani Misalucha, Sharon Cuneta, Ann Wilson, Aretha Franklin, at Toni Basil, at nanalo rin ng apat na beses bilang weekly winner.

Sinusundan ni Klarisse sina Melai Cantiveros-Francisco at Denise Laurel bilang Grand Winners sa Your Face Sounds Familiar, na nagkaroon din ng kid editions kung saan nagwagi sina Awra Briguela at TNT Boys. Maliban sa mga amazing transformation ngayong season, kinagiliwan din ng mga manonood ang kulitan at bonding with virtual KaFamiliars sa programa at sa “KaFamiliar Online Live” show kasama sina Darren Espanto, AC Bonifacio, at Jeremy Glinoga tuwing patalastas.

Panoorin muli ang Your Face Sounds Familiar Season 3: The Grand Showdown sa iWantTFC o pumunta sa official accounts ng show (@YourFacePH) sa Facebook, Twitter, Instagram, at YouTube para sa highlights.