• MONDAY - FRIDAY AFTER ON THE WINGS OF LOVE
  • MONDAY - FRIDAY AFTER ON THE WINGS OF LOVE
RK, todo ang pasasalamat sa “Wildflower”

 

Biggest break na maituturing ni RK Bagatsing ang karakter niya bilang Mayor Arnaldo Ardiente-Torillo sa hit primetime serye ng ABS-CBN na “Wildflower” kaya naman ganoon niya mami-miss ang naturang show magtatapos na sa nalalapit na mga linggo.

 

“Every project na nakukuha ko ay itinuturing ko na big break sa akin dahil ito ang magiging basehan sa mga susunod na papel na aking gagampanan. Pero sa ngayon, ‘Wildflower’ nga yung biggest so far sa career ko. Sinong mag-aakala makaka-eksena ko si Maja, Tirso, at Aiko, at masasabing pogi din ako sa tabi sina Joseph at Vin di ba?” sabi ni RK.

 

Dagdag pa niya, “Kung i-rewind natin buhay ko a few years back, nag-iikot lang ako sa Makati, going from one rejection to another sa VTRs and auditions hoping na makakuha ako ng TVC o kaya role sa pelikula para kumita. Kaya sobra ang pasasalamat ko sa show.”

 

Bukod sa pasasalamat sa oportunidad na natanggap, inamin naman ni RK na hirap siyang mag-move-on sa kanyang karakter bilang Arnaldo.

 

“Iba rin kasi yung passion at pagmamahal na inilaan ko rito ng isang taon. Hindi mo namalayan, isang araw, wala ng call time at taping, tapos na. Doon lang nag-sink-in na wala na ako,” amin niya.

 

Marami raw siyang natutunan kay Arnaldo at lubos siyang nagpapasalamat sa kanyang mga naging ka-eksena at direktor sa pagtulong sa kanya gampanan ng maayos ang kanyang karakter.

 

“Natutunan ko kay Arnaldo na sundin yung instincts ko sa dami ng improvisations niya at sa pagiging baliw niya. Naging isang instrumento rin siya para makawala sa comfort zones ko. Pero hindi naman mabubuo si Arnaldo kung wala ang mga ka-eksena ko pati ang buong cast crew ng palabas, mas mamimiss ko sila than sa role kong si Arnaldo,” pagbabahagi niya.

 

Hindi rin ikinaila ni RK na malaki ang iniwang aral sa kanya ng pagiging bahagi ng isa sa mga pinakasikat na serye ngayon.

 

“Natuto akong mag-relax at huwag ma-pressure dahil kadalasan pagkabigo ang kalalabasan noon. Na-realize ko rin na maglet-go paminsan at i-enjoy lang ang nangyayari. Parte naman ng buhay natin ang madapa, kahit papaano masasabi natin na sinubukan natin. Kaya ngayon, iniisip ko nalang na hanggang ginagawa ko ang best ko sa trabaho kahit magkamali, pwede namang ayusin. Magiging okey naman ako. Ito siguro ang mga bagay na dadalhin ko sa susunod kong mga proyekto,” sabi ni RK.

 

Sa huling mga linggo ng “Wildflower,” pakatutukan kung ano ang kahihinatnan ni Lily sa kamay ng mga Ardiente. Tuluyan na nga kaya niya itong mapabagsak?

 

Huwag palalampasin ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.

 

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.