• MONDAY - FRIDAY AFTER ON THE WINGS OF LOVE
  • MONDAY - FRIDAY AFTER ON THE WINGS OF LOVE
Maja, buwis buhay sa “Wildflower”

Lumambitin sa ere nang naka-heels…

Tila isinabuhay na ni Maja Salvador ang mapangahas niyang karakter na si Lily Cruz matapos itong mapanood na lumambitin sa helicopter ng naheels sa episode noong Lunes (Dec 4) ng hit primetime serye na “Wildflower.”

“Walang takot at palaban kasi si Lily Cruz, kaya nasaniban yata ako ng lakas at tapang niya noong araw na iyon,” saad ni Maja.

Walang double at wala ring suot na harness ang aktres sa kumakalat na behind-the-scenes video kung saan nakalambitin siya sa isang helicopter.

“May double naman dapat. Noong nakita ko kasing ginawa ng double, sinabi ko sa kanila na parang kaya ko naman. Kaya ginawa ko. Nasa season 4 na rin kami kaya dapat may bago silang nakikita,” kwento ni Maja.

“Habang nandoon ako sa taas, paulit-ulit ako nagdadasal sa utak ko ng ‘please protect me Lord!’” dagdag niya.

Bukod sa helicopter scene, maraming netizens din ang naastigan sa kanyang pakikipagbarilan habang nakasakay sa motorbike.

Sabi ni Twitter user @askjaysantiago, “Talagang tinaas ni Maja Salvador ang standard sa action at drama. Ginawa niya na walang stunt double. Talagang isa ito sa mga hindi na makakalimutang eksena sa Wildflower. Bilib talaga ako sa idol ko.”

“First time kong mag-tweet about Wildflower kasi hindi ako active sa Twitter. Pero grabe pang Hollywood action movie na talaga ang Wildflower, kaya talagang nakatutok ako araw-araw. Hands down super epic ang episode ngayon!!,” pahayag ni @kyladejesus31.

Komento naman ni @DenInTheLoop, “Action star ang dating ni Maja! Go Lily Cruz!”

Matapos ngang maisiwalat na si Helena Montoya (Zsa Zsa Padilla) ang big time syndicate leader na si Red Dragon, nakuha pa nitong makatakas mula sa mga otoridad. Nalaman naman ito agad ni Lily at nakipagsabwatan kay Diego (Joseph Marco) para sa isang entrapment operation kasama ang National Bureau of Investigation.

Magtagumpay kaya si Lily sa pagdakip kay Red Dragon?

Huwag palalampasin ang “Wildflower,” Lunes hanggang Biyernes bago mag-“TV Patrol” sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (Skycable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @wildflowerabscbn sa Instagram, @RSBDramaUnitNew sa Twitter at i-like ang official Facebook page ng programa sahttps://www.facebook.com/wildflowerchannel2/.

Panoorin ang past episodes ng palabas sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.