Pulot mula sa Teleserye Tatay: We Will Survive's Edwin

Ang mga tatay ang itinuturing na haliging sumusuporta sa ating mga pamilya. Sila ang kalimitang naghahanap-buhay upang maitaguyod ang kinabukasan ng kanilang mga anak. Ngunit minsan ay may mga hindi inaasahang pangyayari na naglalayo sa mga ama sa kanilang mga mahal sa buhay. May mga pagkakataon ding mas pinipili ng mga tatay na malayo sa pamilya upang mabigyan sila ng mas maganda at maginhawang pamumuhay.

Gaya nang maraming Pinoy ay nagsakripisyo rin si Edwin (Jeric Raval) na malayo sa kaniyang anak upang magtrabaho. Bilang isang seaman ay kinailangan niyang iwan ang anak na si Anya (Jana Agoncillo) at ipagkatiwala ito kina Wilma (Pokwang) at Maricel (Melai Cantiveros).

 

1. Edwin, piniling bantayan ang anak na si Anya.

Mas pinili ni Edwin na unahing alagaan ang anak na si Anya matapos itong magkasakit. Pangako niya sa anak, pagnakaipon na siya at nagkanegosyo ay hindi na siya muling aalis pa para lagi na silang magkakasama.

used pbb247.com
 

2. Anya at Jude, nag-enjoy sa kanilang summer outing.

Sinigurado ni Edwin na sulitin ang panahong magkasama sila ng anak na si Anya sa isang summer outing kasama sina Wilma at Jude.

 
used pbb247.com

 

POCHOLO | EDWIN