• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
"Wansapanataym," tuturuan ng leksyon ang mga mapang-abuso sa kapangyarihan
Masamang epekto ng pang-aabuso sa kapangyarihan ang ibabahaging aral sa TV viewers ng “Wansapanataym” ngayong Linggo (Marso 1) sa pagpapatuloy ng kwentong “Remote ni Eric” na pinagbibidahan nina Joel Torre, Cherry Pie Picache, Sue Ramirez, at Harvey Bautista. Sa pagbabalik ng kanyang ama mula sa ibang bansa, mas lalakas ang loob ni Eric (Harvey) na gamitin ang magic remote control sa kanyang pamilya para makuha ang lahat ng kanyang gusto.

Ano ang gagawin ni Eric sa oras na matuklasan ng kanyang mga magulang na mayroon siyang kapangyarihang kontrolin ang ibang tao? Matututunan na ba niyang respetuhin ang buhay ng iba kapag naapektuhan na niya ang buhay ng kanyang sariling pamilya? Kasama din sa bagong “Wansapanataym Presents Remote ni Eric” sina Arjo Atayde, Alex Diaz, at tampok ang boses ni Clarence Delgado.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Benedict Mique at direksyon ni Erick Salud. Ang original story book ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina, Kapatid, Anak,” “Juan dela Cruz,” at “Ikaw Lamang.” Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Remote ni Eric” ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com  o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com  para sa karagdagang impormasyon.