• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
"Wansapanataym presents Remote ni Eric" ituturo ang halaga ng gabay ng magulang

Halaga ng pagbibigay ng mabuting halimbawa sa mga kabataan ang aral na ibabahagi ng "Wansapanataym" ngayong Linggo (Marso 8) sa pagpapatuloy ng kwentong "Remote ni Eric" na pinagbibidahan nina Joel Torre, Cherry Pie Picache, Sue Ramirez, at Harvey Bautista.

Sa kabila ng kasunduan ng kanyang pamilya na itapon ang mahiwagang remote control, magdedesisyon si Romy (Joel) na itago ito para masunod ang lahat ng kanyang kagustuhan. Paano ipaliliwanag ni Romy sa kanyang anak na si Eric (Harvey) ang kanyang ginawa kapag natuklasan ito? Kasama din sa “Wansapanataym Presents Remote ni Eric” sina Arjo Atayde, Alex Diaz, at tampok ang boses ni Clarence Delgado. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Benedict Mique at direksyon ni Erick Salud.

Ang original story book ng batang Pinoy na “Wansapanataym” ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong may likha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng “Walang Hanggan,” “Ina, Kapatid, Anak,” “Juan dela Cruz,” at “Ikaw Lamang.”

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Remote ni Eric” ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.