• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
"Wansapanataym" nina Coco at Julia, pinakilig ang buong bayan
Pinakapinanood na TV program sa bansa noong Linggo (Marso 22) ang balik-tambalan ng Hari ng Primetime na si Coco Martin at Kapamilya actress na si Julia Montes sa pinakabagong “Wansapanataym” special na “Yamishita’s Treasures.”

Ayon sa datos mula sa Kantar Media, nanguna sa listahan ng most-watched TV program sa Pilipinas ang pilot episode ng “Yamishita’s Treasures” taglay ang national TV rating na 27.4%, o halos 9 na puntos na kalamangan kumpara sa nakuha ng katapat nitong programa sa GMA na “Ismol Family” (18.7%). Dahil sa tuwa ng TV viewers at netizens sa bagong proyekto nina Coco at Julia, mabilis naging nationwide trending topic and hashtag na #YamishitasTreasure sa mga sikat na social networking site tulad ng Twitter.

Samantala, tiyak na mas magiging kapanapanabik ang pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” sa Linggo (Marso 29) ngayong nakarating na sa mundo nina Yami (Coco) ang diwatang si Tanya (Julia). Paano magbabago ang relasyon ng mga diwata at tao sa pagkrus ng landas nina Yami at Tanya? Ano ang kanilang gagawin sa oras na malaman ni Tanya ang kalahati ng mapa na kanyang hinahanap ay nasa kamay ni Yami?

Makakasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishitas’ Treasures” ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Arron Villaflor, Ryan Bang, Marlan Flores, at Alonzo Muhlach. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco.

Ang “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ay bahagi ng magical summer campaign ng Dreamscape Entertainment Television.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.  Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.