• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Relasyon nina Coco at Julia, hinahadlangan ng "Kapamilya?"
Mas tumitindi na ang mga pagsubok sa relasyon ng mga karakter nina Coco Martin at Julia Montes ngayong Linggo (Abril 26) sa pagpapatuloy ng kanilang "Wansapanataym" special na "Yamishita's Treasures." Sa gitna ng kanilang pakikipaglaban sa mga masasamang engkanto, muling hahadlangan ang pagmamahal ni Yami (Coco) kay Tanya (Julia) nang matuklasan ng pamilya nito ang pakikipag-ugnayan ni Tanya sa isang tao.

Paano nga ba patutunayan ni Yami ang kanyang sarili sa pamilya ni Tanya lalo na't may kasalan sa mga ito ang kanyang ama? Ano ang gagawin nila Yami at Tanya sa oras na malagay muli ang kanilang buhay sa peligro? Kasama rin nina Coco at Julia sa "Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures" ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Arron Villaflor, Ryan Bang, at Marlan Flores.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa "Wansapanataym Presents Yamishita's Treasures" ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng "Goin' Bulilit" sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng "Wansapanataym" gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.