ABS-CBN Corp. Comm. May 15, 2015 11:23 PM
“Hindi ko kayang hindi kita mahalin.”
Ito ang emosyal na pag-amin ng karakter ng Kapamilya actress na si Julia Montes sa kanyang tunay na nararamdaman para sa Teleserye King na si Coco Martin, na gumaganap sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” bilang si Yami.
Sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym” special nina Coco at Julia ngayong Linggo (Mayo 17), hindi na mapipigilan ni Tanya (Julia) ang pagmamahal niya para kay Yami sa gitna ng kanilang pakikipaglaban sa mga masasamang diwata.
Ngayong nailigtas na nila si Newton (Alonzo Muhlach), ano nga ba ang gagawin nina Yami at Tanya para tuluyan nang maitigil ang masasamang balak ni Lisandro (Noni Buencamino)? Maipaglalaban din kaya nila ang kanilang pagmamahalan sa kabila ng pagkakaroon nila ng magkaibang mundo?
Kasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Arron Villaflor, Ryan Bang, Marlan Flores, at Angel Aquino. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco.
Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.