• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Julia, nanatiling tapat kay Coco sa "Wansapanataym"
Mas tumatatag na ang samahan ng mga karakter nina Coco Martin at Julia Montes sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo (Hunyo 7).

Sa kabila ng pag-aakalang nagpakasal na si Tanya (Julia) kay Arkin (Arron Villaflor), muling mabubuhay ang pag-asa sa puso ni Yami (Coco) nang aminin sa kanya ni Tanya na walang bisa ang pag-iisang dibdib nila ng masamang engkanto.

Paano na nga ba mababawi nina Yami at Tanya ang kapangyarihan ni Demetrius (Eddie Garcia) ngayong nakuha na ito ni Arkin? Ano ang kanilang gagawin sa oras na malagay muli sa peligro ang buhay ng mga taong pinakamamahal nila?  

Kasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ang mga premyadong aktor kabilang sina Bing Loyzaga, Noni Buencamino, Alonzo Muhlach, Ryan Bang, Marlan Flores, at Angel Aquino.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.