• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Julia, handa nang aminin ang nararamdaman para kay Coco?
Paganda na nang paganda ang samahan ng mga karakter nina Coco Martin at Julia Montes sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo (Mayo 3).

Sa kabila ng pagtutol sa kanya ng pamilya ni Tanya (Julia), unti-unti nang makukuha ni Yami (Coco) ang loob ng mga ito dahil sa likas na kabutihan ng kanyang puso. Aaminin na ba ni Tanya ang tunay niyang nararamdaman para kay Yami ngayong tanggap na ito ng kanyang pamilya? Paano nga ba nila matutulungan ang isa’t isa upang mabawi ng lolo ni Tanya na si Demetrius (Eddie Garcia) ang trono mula kina Lisandro (Noni Buencamino) at Arkin (Arron Villaflor)?

Kasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ang mga premyadong aktor kabilang sina Bing Loyzaga, Angel Aquino, Ryan Bang, at Marlan Flores. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.