• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Coco at Julia, magtutulungan para labanan ang kasamaan sa "Wansapanataym"
Ituturo ng Teleserye King na si Coco Martin at Kapamilya actress na si Julia Montes sa TV viewers ngayong Linggo (Mayo 24) ang masamang epekto ng pagiging sakim sa kapangyarihan sa pagpapatuloy ng “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures.”

Ngayong malapit na nilang mabawi ang kapangyarihan ni Demetrius (Eddie Garcia), haharap muli sa malaking pagsubok sina Yami (Coco) at Tanya (Julia) dahil sa pagpigil ni Lisandro (Noni Buencamino) sa kanilang mga plano. Paano nga ba maititigil nina Yami at Tanya ang kaguluhan sa mundo ng mga engkanto? Ano ang gagawin ni Yami sa oras na dakipin ni Lisandro ang pinakamamahal niyang si Tanya?

Kasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ang mga premyadong aktor kabilang sina Bing Loyzaga, Arron Villaflor, Alonzo Muhlach, Ryan Bang, Marlan Flores, at Angel Aquino.

Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco. Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN.

Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.