• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Coco at Julia, hindi na maitago ang feelings para sa isa't isa sa "Wansapantaym."

Wala nang makapipigil pa sa nararamdaman ng mga karakter nina Coco Martin at Julia Montes para sa isa’t isa sa pagpapatuloy ng kanilang “Wansapantaym” special na “Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo (Abril 19). Sa gitna ng kanilang paghahanap kay Newton (Alonzo Muhlach) sa mundo ng mga engkanto, mas lalalim na ang relasyon nina Yami (Coco) at Tanya (Julia) sa kabila ng hindi magandang nakaraan ng kanilang mga magulang. 

Magtatagumpay ba sina Yami at Tanya na maitakas si Newton mula sa pagkakadakip ng mga masasamang diwata? Kaya bang aminin ni Tanya na nahuhulog na ang kanyang damdamin para kay Yami kahit na pinagbabawalan siya ng kanyang ina na umibig ng isang tao? Kasama rin nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ang mga premyadong aktor kabilang sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Angel Aquino, Noni Buencamino, Ryan Bang, at Marlan Flores. Ito ay sa ilalim ng panulat ni Noreen Capili at Joel Mercado, at direksyon ni Avel Sunpongco.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa “Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures” ngayong Linggo, sa ganap na alas-6:45 ng gabi pagkatapos ng “Goin’ Bulilit” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter. Samantala, maaari na ring panoorin ang full episodes o past episodes ng “Wansapanataym” gamit ang ABS-CBNmobile. Pumunta lamang sa www.abscbnmobile.com para sa karagdagang impormasyon.