• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Wansapanataym ibibida ang sakripisyo ng mga ina sa pagtatapos ng Louie’s Biton

Matututunan ni Louie (Grae Fernandez) ang pinakamahalagang aral sa lahat sa pagsanib niya sa katawan ng kanyang inang si Mary Jane (Dimples Romana) upang malaman ang matinding sakripisyo nito para sa kanilang pamilya sa pagtatapos ng “Wansapanataym Presents: Louie’s Biton” (Nov 5).

Sa paggabay ng fairy god leather, natutunan ni Louie na magpatawad at pahalagahan ang kanyang pamilya matapos niyang mabuhay sa katawan nina Ralph (Aljur Abrenica) at Melissa (Louise Delos Reyes). Ngunit sa pakikipagsapalaran niya ngayon sa katawan naman ng kanyang ina, makikita ni Louie ang pagtitiis ni Mary Jane upang mabigyan siya ng magandang kinabukasan.

Mula sa pagiging janitress hanggang sa pagbebenta ng mga pagkain sa gita ng initan, gagampanan ni Louie ang lahat ng trabaho ni Mary Jane na tutulong sa kanyang magpakita ng lahat ng hirap at pagod ng kanyang ina.

Ngayong alam na ni Louie ang dinaranas na hirap ni Mary Jane, ito na nga ba ang oras para humingi siya ng kapatawaran mula sa kanyang ina?

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapantaym Presents: Louie’s Biton” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.