• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Elisse, matututunan ang kabutihan mula sa pagiging sirena sa “Wansapanataym”

 

Matapos siyang maging sirena upang makaligtas mula sa pagkakalunod, haharap na si Stella (Elisse Joson) sa isang misyon na babago sa kanyang kasakiman at kasamaan sa “Wansapanataym Presents: Ofishially Yours.”


Susuklian ni Stella ang kabutihan ng hari ng mga sirena na si Pinunong Agos (Jeric Raval), na sumagip sa kanya mula sa kamatayan, ngayong gagawa siya ng paraan upang mahanap ang nawawala nitong asawa. Ngunit hindi ito magiging madali dahil magiging balakid ang pagkakaroon niya ng buntot, pati na ang mga traydor na sirena na sina Merlina (Ria Atayde) at Balintuna (Giselle Sanchez) na hangaring mabigo siya sa kanyang misyon.


Pero isang bato ang ipagkakaloob kay Stella upang pansamantala siyang muling magkaroon ng mga paa. Ngunit ang hindi niya alam, tuwing magpapakita siya ng kasamaan ng ugali, muling babalik ang kanyang mga buntot.


Kaya naman sa muli nilang pagkikita ni Jason (Joao Constancia), mabibisto na ng lahat ang kanyang sikreto dahil biglang susulpot ang kanyang mga buntot dahil sa panlalait at pangmamaliit nito sa dating manliligaw.


Kailan nga ba matututunan ni Stella ang kanyang leksyon?


Panoorin ang mga eksenang kapupulutan ng aral sa “Wansapanataym Presents: Ofishially Yours” sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.