• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Loisa, gagamitin ang kapangyarihan sa kabutihan sa pagtatapos ng “Wansapanataym”

Mamamayani pa rin ang kabutihan sa puso ni Gelli (Loisa Andalio) sa kabila ng kasakiman ni Harold (Jong Cuenco) dahil ililigtas niya ito mula sa grupo ng mga sindikato gamit ang kanyang kapangyarihan sa huling linggo ng “Wansapanataym Presents: Gelli in a Bottle.”


Naging matindi na nga ang pagkaganid sa kayamanan ni Harold dahil mula nang matuklasan niyang isang genie si Gelli, ginawa niya ang lahat upang mapasakanya ito para sa sariling interes. Ngunit sa kabila ng kasamaan, susuklian pa rin siya ni Gelli ng kabutihan ngayong bibigyan niya ng kapangyarihan sina Robin (Ronnie Alonte) at Hubert (Anjo Damiles),  upang tulungan siyang patumbahin ang mga bandido at iligtas si Harold.


Pero nananalaytay sa dugo ni Harold ang pagiging sakim, kaya naman hahanap pa rin siya ng pagkakataon upang masarili ang mahikang taglay ni Gelli kahit pa iniligtas siya nito mula sa kapahamakan.


Bukod sa peligrong parating, nagbabadya namang magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Gelli at Hubert ngayong malalaman na ng binata ang relasyong itinatago ng genie at ni Robin.


Ano nga kayang kapalaran ang naghihintay kay Gelli? Makakawala pa nga kaya siya sa sumpa?


Umeere na sa loob ng halos dalawang dekada, ang “Wansapanataym” ang kauna-unahang Filipino program na nakatanggap ng nominasyon sa prestihiyosong International Emmy Kids Awards para sa best TV movie/mini-series category. Katapat nito ang mga programa mula Netherlands, United Kingdom, at Australia.


Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapantaym Presents: Gelli in a Bottle” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates, i-follow ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, at Instagram o kaya’y bisitahin ang www.abscbnpr.com.