• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Ronnie, pag-ibig ang paiiralin upang hanapin si Loisa sa “Wansapanataym”


Pag-ibig ang mananaig sa puso ni Robin (Ronnie Alonte) dahil hindi siya susukong hanapin ang boteng kinarorooan ni Gelli (Loisa Andalio) at gagawin ang lahat upang tulayang mapuksa ang sumpa sa “Wansapanatyam Presents: Gelli in a Bottle” ngayong Linggo (Abril 22).
 

Sisisirin ni Robin ang mga karagatan para mahanap si Gelli ngayong tuluyan nang nawala sa kanyang piling ang dalaga. Nangyari ito nang hilingin ni Robin ang pagbalik sa normal ng lahat imbis na ang kalayaan ni Gelli, dahil na rin sa pakiusap ng isinumpang genie na tapusin na ang paghihirap ng kanyang pamilya.
 

Dahil dito, napadpad sa gitna ng karagatan si Gelli habang nasa loob ng bote at naghihintay na may magpalaya sa kanya. Ngunit sa pag-aakalang hindi na siya matatagpuan, biglang mapupulot ni Hubert (Anjo Damiles), ang lalaking mayroon ding gusto sa kanya, ang boteng kinalalagyan niya na magiging dahilan upang maging panibago niyang amo ang binata.
 

Makakahadlang kaya si Robert kay Robin sa puso ni Gelli?
 

Umeere na sa loob ng halos dalawang dekada, ang “Wansapanataym” ang kauna-unahang Filipino program na nakatanggap ng nominasyon sa prestihiyosong International Emmy Kids Awards para sa best TV movie/mini-series category. Katapat nito ang mga programa mula Netherlands, United Kingdom, at Australia.
 

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapantaym Presents: Gelli in a Bottle” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa updates.