• SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
  • SATURDAY AND SUNDAY BEFORE PILIPINAS GOT TALENT
Pagbabalik-telebisyon ng ElNella, mas tinutukan sa buong bansa

Naging mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa pagbabalik-telebisyon ng tambalan nina Janella Salvador at Elmo Magalona dahil dalawang linggo nang nangunguna sa national TV ratings ang “Wansapanataym Presents: Jasmin’s Flower Powers.”

Kinapitan ng buong bansa ang pinagbibidahang serye ng “ElNella” nitong Linggo (Nov 19) matapos itong magkamit ng national TV rating na 29.4%, kumpara sa “Daig Kayo ng Lola Ko” (19.4%), base sa datos ng Kantar Media. Tinutukan din ang pilot episode ng “Wansapanataym” noong Nobyembre 12 matapos itong magrehistro ng 31.2%, laban sa katapat nito na mayroon lamang 19.4%.

Naging mapait agad ang simula ng love story ng mga karakter nina Janella at Elmo na sina Jasmin at Thor. Dahil sa pagtutol sa kanilang relasyon ng ina ni Thor, kinailangang hiwalayan ni Jasmin ang binata nang hindi nito nalalaman ang tunay na dahilan.

Sa kabila ng masakit nilang nakaraan, pilit na aayusin ni Jasmin ang pakikitungo niya kay Thor ngayong nagtatrabaho na siya sa kumpanya nina Thor. Hindi naman ito magiging madali dahil pipilitin siyang saktan ni Thor sa pamamagitan ng pagpapakilala ng bagong nobya.

Magkaayos pa nga kaya sina Jasmin at Thor? Oras na nga ba para kalimutan ang kanilang nakaraan?

Huwag palampasin ang kwentong kapupulutan ng aral sa “Wansapantaym Presents: Jasmin’s Flower Power” ngayong Linggo sa ABS-CBN at ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa karagdagang impormasyon, pumunta sa fb.com/dreamscapeph at i-follow ang @dreamscapeph sa Twitter at Instagram.