December 26 nang unang pinarinig ng Canadian popstar na si Justin Bieber ang kanyang bagong single na “Yummy.” Dito rin niya inanunsyo ang mga bagay na aabangan mula sa kanya ng mga fans, kabilang na ang pagkakaroon ng bagong documentary series at mga US tour.
Bwena-manong sorpresa rin sa mga Beliebers nang inilabas ni Justin ang music video “Yummy.” Kinunan ang music video sa isang restaurant at nakasama ng singer ang iba’t ibang customers dito. Kapansin-pansin din ang bagong look ng singer kung saan pink ang kanyang buhok at nakasuot din ng pink na damit. Para kay Justin, “it’s the music that I love the most out of anything I’ve done.
Nito lang Oktubre ay muling kinasal sina Justin at asawang si Hailey Baldwin. Sa Instagram account ni Justin, ibinida niya ang ilang wedding photos nila na ginanap sa South Carolina. Unang nagpalitan ng “I do” ang dalawa sa New York, Hulyo ng nakaraang taon.
Ilan sa mga sumikat na kanta ni Justin ay ang “Baby,” “What Do You Mean,” “Never Say Never,” “10,000 Hours” at marami pang iba.