Kahit tapos na ang kaarawan patuloy pa rin itong pinagdiriwang ni Yassi Pressman.
Ibinahagi ng FPJ’s Ang Probinsyano star sa Instagram ang kanyang pagbisita sa mga batang nawalan ng tirahan ng dahil sa sunog sa Quezon City noong Abril.
Bukod sa pag-awit, namahagi rin siya ng school supplies sa mga bata at binisita rin niya ang mga batang may sakit sa isang charity foundation.
“My loving fans brought them to me, we ate, we sang, we danced and gave them school supplies. It filled my heart to see them happy,” ani Yassi sa kanyang post.
“Bago pa ito, nanggaling din kami sa Make A Wish Foundation, for children with Terminal illnesses and we made their current wishes come true,” dagdag pa niya.
Nagpasalamat naman siya sa lahat ng tumulong para makapag-celebrate ng birthday sa piling ng mga bata.
LOOK: Yassi Pressman spends her post-birthday celebration with two charity foundations
If you are in the Philippines, watch the FULL episode on www.iwant.ph
If you are outside the Philippines, watch the FULL episode on www.tfc.tv